Chapter Thirty Two

273 7 0
                                    

Chapter Thirty Two

Nabaling ang tingin ko sa kusina nang marinig ang tunog ng oven. Kaagad na tumayo si ate.

"Maiwan ko muna kayo, aasikasuhin ko lang 'yong cake na ginawa ko." Nagpaalam siya sa aming dalawa na sinuklian ko ng tango ganon din si Primo.

Lumapit ako sa center table upang ibaba ang dala kong paper bag. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Primo sa ginagawa ko ngunit hindi ako umimik.

Nang tumuwid ako ng tayo ay doon ko lang napagmasdan ang kanyang itsura.

Kumpara sa clean cut na usual style ng kanyang buhok noon ay mahaba na ito ngayon at nakapusod pa. Medyo umitim din ang kulay ng kanyang balat, at lumaki rin ang katawan. Ang suot niyang polo shirt ay hapit na hapit sa kanyang katawan.

"P-pwede ba tayo mag-usap?" Nanginginig na bulong niya. Ang kanyang mga mata ay nagmamakaawang nakatingin sa akin. I've known Primo for too long. Ayaw na ayaw niyang ipinapakita ang kanyang kahinaan ngunit heto siya at hinahayaan akong makita ang totoong emosyon ng kanyang mga mata.

Ngumuso ako at tumango sakanaglakad papunta sa garden. Nakatingin lamang ako sa pool na malamang ginagawa rin niya.

"Kumusta ka na?" Bulong niya.

"Ayos lang. Ikaw?" Liningon ko siya. Naabutan ko ang tingin niya sa akin. Pansin ko ang unti-unting pagpula ng kanyang mukha.

"I've never felt this good until now." His voice breaks. Ang buong akala ko ay hanggang doon lang ngunit nagulat ako nang sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha kasabay ng kanyang mga iling.

"Para akong tinanggalan ng malaking tinik ngayong nakita na ulit kita."

Umiwas ako ng tingin upang itago ang mukha ko.

Sa loob ng tatlong taon, hindi ko masasabing maraming nagbago sa akin. Hindi ko sinubukang baguhin ang sarili ko. Siguro may mga pagbabagong mga maliliit dala narin ng panahon ngunit inilaan ko ang mga taon na iyon para sa paghilom ng sugat ko.

Ngunit kahit gaano na katagal ang lumipas, makita ko lamang sila ulit ay para na akong sinampal ng katotohanan na ang akala kong naghilom na mga sugat ay hindi pa pala.

Masakit parin pala. Ngunit katulad ng sabi ko, hindi ko inilaan ang mga taong lumipas para baguhin ang sarili ko kaya kahit ramdam ko pa ang sakit ay heto parin ang pakiramdam kong gusto ko parin siyang patawarin.

Maingat niyang inabot ang aking kamay kaya napunta nanaman sakanya ang tingin ko. Hindi parin tumitigil ang mga luha niya sa pagpatak.

"I'm... I'm really really sorry, Lex. If I could just turn back the time... Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong hindi mapabilang sa pamilyang kinabibilangan ko ay gagawin ko para hindi sana kita nasasaktan nang ganito ngayon, gagawin ko... I'm sorry, Lexi."

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya mas lalong nanikip ang dibdib ko.

"Eliza was my cousin. Her dad was my dad's cousin. Noong bumalik siya rito sa Pinas para ibalita sa aking ikakasal na siya ay sobrang saya ko para sakanya. I'm thinking that this time, she really wanna get married since she's the one who deliver that message to me, but I didn't know that she was refering to Kit. Trust me, I... I didn't have any idea about it. I'm sorry..."

This is it. The explanation that I need. Ngunit hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Sinubukan kong hanapin ang galit ko noon sa aking sarili ngunit wala na akong mahanap. Wala akong maisagot sakanya. Hindi ko na mahanap ang mga sagot na pinaghandaan kong ibato sakanya kung sakaling dumating ang araw na ito.

Hinatak ko pabalik sa akin ang aking kamay kaya napatingin siya sa akin. Pain is evident in his eyes.

Tinanaw ko muli ang harap namin. Ngunit ramdam ko parin ang tingin niya sa akin. I inhaled a large amount of air before I started talking.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon