Chapter Forty Four

307 7 0
                                    

Chapter Forty Four

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at ayusin ang sarili ko. pinunasan ko ang mga luha ko at tinulak palikod ang mga hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Doon ay napatingin ako sa ibabaw ng kama. Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang makita na pare-parehas ang resulta ng mga iyon. Inilagay ko ang mga iyon sa isang zip lock bag bago ako tumulak paalis.

I saw my niece playing with my cat. Isang pasigaw na paalam ang ginawa ko at walang lingon-lingon na umalis ng bahay. Medyo nahirapan pa ako sa pagpapara ng taxi kaya kinailangan ko pang ilang beses na huminga ng malalim.

Kaya't halos pasalamatan ko ang lahat ng santo nang makapara ako ng isa. Buong byahe ay tahimik lamang ako at nagmamasid sa paligid. Hanggang ngayon ay nanghihina parin ang mga tuhod ko ngunit mas pipiliin kong iignora iyon kaysa patagalin ang mga bagay na kailangan kong asikasuhin.

Pagpasok ng kompanya ay agad kong naramdaman ang mga tingin sa akin ng mga tao. Sino ba namang hindi mapapatingin sa babaeng tahasang papasok sa isang building na ang tanging suot ay isang malaking shirt na may pizza pang design sa kaliwang dibdib at isang simpleng maong shorts?

Wala naman akong magagawa sa mga mapanuri nilang mga tingin at isa pa, hindi sila ang pinunta ko rito para isipin pa ang kanilang mga titig. Ag boss nila ang pinunta ko rito.

Pagdating sa floor kung nasaan ang kanyang opisina ay bumungad agad sa akin ang kanyang sekretarya.

“Ma’am,” gulat niyang pagtawag sa akin. He even eyed me from head to toe. Bahagyang nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata.

“Nandiyan ba si Kit?” tanong ko na nagpagising sakanya.

“A-ah opo ma’am, sakto at kararating lang po. Pasok na po kayo, ma’am.” Aniya.

Tumango ako at nagtungo na sa kanyang opisina. Labis-labis ang pagtahip ng aking dibdib kaya isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago pumasok sa loob.

Bumungad sa akin ang gabundok na mga papel sa kanyang office desk. Ngunit natuon ang pansin ko sa lalaking nakaupo sa likod ng mga iyon, suot pa ang kanyang itim na polo na nakarolyo ang sleeves hanggang siko kung saan kasalukuyang nakatukod sa arm rest ng upuan. May hawak itong mga papel na kasalukuyan niyang binabasa.

Para akong matutumba sa nararamdaman kong pagkasabik. It’s been a while since I last saw him plus the fact that it didn’t went so well.

How could I be so cruel to this man? He didn’t do anything but to love and wait for me. Sure, I did suffer a lot because of him, and so he did…

I just focused on my own sake and pain not minding that he also has his own story to tell. I am his wife, yet I wasn’t able to fulfill my duties. I was blinded by my own fear and anger that I almost forget that he was also hurting, that I also hurt him…

I took a few steps towards him causing him to look up on me. His eyes widened a bit a sign that he was shocked by my presence. Kalaunan ay tila nakarecover din siya sa kanyang gulat at ibinaba ang papel na kanina’y binabasa. Hindi siya gumalaw sa kanyang inuupuan.

“Do you need anything?” he asked. Hindi ko maiwasang lalong mapasimangot.

I need you, asshole!

Nanatili akong tahimik at walang imik. He sighed deeply and leaned towards the table. Pinagsalikop niya ang kanyang kamay na nakapatong doon. “Speak, Lexi… as you can see I’m busy and I ha—“

“Nawala ka ng ilang linggo nang hindi nagpaalam o nagsabi man lang tapos ngayon ay ayan ang sasabihin mo sa akin?” hindi ko na napigilan ang pagsabog.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon