Chapter Thirty Three

272 9 1
                                    

Chapter Thirty Three

"Margarette, please stop running, anak."

"Come on, daddy. Let's play this control cars!" Ipinuwesto ni Margarette ang kanyang hawak na mga control cars sa bermuda grass ng garden.

"Teach me how to drive these, daddy, please." Margarette plead while jumping and holding the controllers.

Umiling ang dati kong boss habang nakataas ang isang sulok ng kanyang labi. Kitang-kita ang kinang sa kanyang mga mata tuwing pinagmamasdan ang pamangkin ko. It has this certain spark, just like how my sister's eyes shines whenever she's staring randomly at Margarette.

Ngayon ko mas napatunayan na iba talaga ang saya pag anak na ang pinag-uusapan ano?

Hindi rin naging madali ang paglalapit nilang mag-ama. Noong una ay ayaw ni Margarette. Pero dahil narin sa pagpupursigi ni Apollo ay nakuha niya rin ang loob ng pamangkin ko.

"I really can't understand why are you so into these cars, honey. These are the toys that are meant for boys." Anito habang inaayos ang controllers.

Tinagilid ko ang ulo ko nang makita ang pagsimangot ng pamangkin ko. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa bewang habang masamang tinitingnan ang ama.

"You're being a racist, daddy, ha! Girls can also do what boy can. If you can fly an airplane, then I'm sure my mommy can do it also. If you can play cars, then I can do, too. Everyone is equal, daddy."

Sumulyap ako kay ate na nasa gilid ko ngayon habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanyang mag-ama. Napayuko ito habang nangingiti ang reaksyon sa kanyang anak. Tinapunan ko rin nang tingin ang dati kong boss at nahuli ko pa siyang minamasdan ang ate ko pero nang makita niya ang titig ko ay nag-iwas din siya ng tingin. Napanguso ako.

Apollo chuckled as he give the controllers to Margarette. "My baby is an anti-racist, I see."

"Uh-huh!" Sagot ng pamangkin kong kinakalikot na ang controllers.

"Alright honey. Here's how you do it."

Ilang minuto lang ang inabot ni Margarette bago tuluyang ma-master ang paglalaro ng control cars. Niyaya pa nga niya ang daddy niya na mag-racing ngunit lagi lang din simangot ang mukha dahil sa pagkatalo pero noong huli ay halos ibato niya ang hawak na controllers nang manalo siya laban sa kanyang ama. Hindi ko sigurado kung may ginawa lamang na paraan ang ama nito upang matalo ngunit sobrang ang pagkatuwa ng pamangkin ko.

Lumingon ako kay ate at natagpuan ang kanyang titig sa kanyang mag-ama. Nakakurba ang kanyang mga labi at nagkikislapan ang mga mata. Unconsciously, my lips curved upwards. I'm so happy that everything's gping smooth. And seeing this kind of spark and happiness in her eyes, alam kong hindi siya nagkamaling pagbuksan ng pinto ang ama ni Margarette.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay para ayusin ang mga maleta ko. Napagpasyahan kong lumipat na muna sa condo ko. Tutal ilang linggo lang din naman ako rito at babalik din ng Davao. Isa pa, nandito narin ang dati kong boss. Nakakahiya naman kung palagi akong epal sa family moments nilang tatlo.

Hinahalungkat ko ang bag ko nang maramdaman ko ang presensya ni ate sa aking likod.

"Sigurado ka bang magiging maayos ka roon? Sabi ko naman kasi sa 'yo dumito ka nalang tutal saglit ka lang din naman dito sa Manila." Lumapit siya sa akin saka inayos ang iilang mga damit ko at inilagay sa loob ng maleta.

"Ano ka ba, ate. Okay lang. Atsaka mas okay narin naman na wala ako rito para magkaroon naman kayo ng bonding moments pamilya."

Napatigil ito sa pagtutupi saka bumaling sa akin. "Sila lang, Alex. Hindi ako kasama roon. Kung mayroon man siyang dapat na asikasuhin si Aleia lang iyon. Labas ako sa bagay na iyan."

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon