Chapter Twenty
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pagtapos kong tuluyang makawala mula sa pagkakakapit niya sa bewang ko.
"Your cousin sent me an invitation, so I came." He plainly answered as he shrugged his shoulders.
He's wearing a black suit with white polo underneath, its first two buttons are open, revealing his silver necklace with cross pendant. He is wearing a black pants for his bottom and black saddles for his feet. I can also see his silver earing on his left earlobe.
I bit my inner cheek. He looks dashing tonight!
"You don't have work?"
Umiwas siya ng tingin sa 'kin saka tiningnan ang mga pictures na nakadisplay, my pictures.
He humorlessly chuckled. "I am handling two companies, Lexi. What do you think?"
"Then why are you here?" Mabilis kong sagot. Alam kong medyo rude ang tanong ko, but I really wanna know why.
Humarap siya sa akin kasama ang kanyang katawan kaya napalunok ako. Para bang pinapakita niyang nasa akin ang buong atensyon niya at wala akong magagawa sa bagay na iyon.
"Why? You don't want me here, Alexandria?" He asked with his hoarse voice. Palihim kong hinagod ang aking braso dahil nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko gamit ang nakakaakit na boses!
"W-what? N-no, of course not. Event ito ng pinsan ko kaya wala ak-"
"Edi kung sakaling sa 'yong event ito ay hindi mo ako iimbitahan?"
"No, Kit!" Agap ko. Umawang ang labi ko. Gusto ko pang dugtungan ang sinabi ko pero wala na akong mahanap na salita.
Huminga siya nang malalim saka tumalikod sa 'kin at mabagal na naglakad. At hindi ko maintindihan kung bakit may sarili atang utak ang mga paa ko at sumusunod kay Kit!
Kaunti nalang mga taong nakikita ko, dahil lumalalim na rin ang gabi.
"Someone told me that you bought all my pictures?" I quietly asked. Kahit may pakiramdam na ako sa magiging sagot niya ay ayoko namang lumabas na masyadong confident. Paano pala kung hindi naman talaga totoong binili niya lahat?
He took a glance at me through his shoulder before he finally faced me.
"Uh-huh." He tilted his head, but eyes still one me.
"And you have a lot of pictures here, Lexi. I'm not saying that it's a bad idea, but for you to have your own aisle is purely insane! Why is that? Are you expecting people to just look at your photos and get away just like that?" Kunot noong tanong niya.
I unconciously licked my lips. Sinundan iyon ng mata ni Kit ngunit bumalik din agad sa mata ko na parang bawal siya madistract ngayong hino-hot seat niya ako.
"Yes. It should be that way." Walang kwenta kong sagot. Una pa lang naman ay ganoon na talaga ang iniisip ko. Wala nga sa isip ko na may bibili sa mga pictures na ako ang subject dito, eh.
He raised his brow at me as he gasped. He let out a sarcastic chuckle and look away ngunit agad din bumalik sa akin ang tingin niya.
"Then sorry to pop your bubble up, Ms. Mariano. Your photos are sold out even before I arrived and they were all men! Damn it!" Umirap siya sa 'kin saka naglakad muli.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, bago niya nabili ang mga iyon?
Patakbo akong sumunod sakanya. I overtake kaya napahinto siya. Bahagya pang nagulat sa ginawa ko. I suddely saw amusement in his eyes but when he blink his eyes, it's all gone.

BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi