Chapter Thirty Eight
"Excited na 'ko sa magiging kalalabasan ng final ng trilogy mo ngayon!" Napahawak ako sa table nang yugyog-yugyogin ako ni Fascia.
"Ang dami ring fans nag-abang sa ending nitong trilogy mo, 'te, ha!" Si Ramona sabay subo ng carbonara.
"Pero ano bang ending?" Tanong ni Fascia na inismiran ko.
"Bumili ka ng libro para malaman mo!"
"Anak ng! Napakadamot nito! Clue nalang, happy or sad ending?" Humirit pa nga.
"Next month ang labas ng mga libro, Fascia." Sagot ko ulit sabay tumayo na upang bumili naman ng maiinom dahil nakalimutan ko kanina.
Ang reklamo niya at tawanan nila Ramona ang huli kong narinig.
"Isa nga pong C2, ate."
"Ito."
"Salamat po." Nginitian ko ang tindera bago tumalikod. Nasa may hamba na ng entrance ng Cafeteria sila Ramona, hinihintay na lamang ako.
Ilang linggo na rin noong makabalik ako rito sa Davao. Medyo nahirapan pa ako kay Margarette kaya nag-extend pa ako ng kalahating araw bago tuluyang makauwi.
Pagbalik ko ng trabaho ay sinimulan ko na ring tapusin ang book 3 ng ginagawa kong series. Medyo nahirapan pa ako dahil hindi ko rin alam noong una kung paano ko tatapusin.
Bago ako umuwi ng Maynila ay malinaw na sa isip ko ang ending na gusto ko para sa istoryang ginagawa ko pero habang nasa byahe ako pabalik ay ang daming mga bagay ang lumamon sa sistema ko dahilan upang malito sa gusto kong maging ending ng istorya.
Pagpasok na pagpasok pa lang sa apartment ko ay bumungad agad sa akin si Sheysie. Umikot ito sa may paanan ko at ikinuskos ang katawan nito doon.
Grabe ang pagbabagong nangyari sa pusa ko. Mas dumoble ang timbang niya at di hamak na mas malaki ang katawan sa edad niya. Masasabi kong inispoil talaga ito ni Kit.
True to his words, kinabukasan pagtapos ng pag-uusap namin ay pinahatid niya nga si Sheysie sa apartment ko kasama ang isang brown envelope. Sobra-sobrang tahip ng dibdib ko noon nang makita iyon. Ngunit nalaglag ang panga ko nang makita ang laman. Ang anullment papers namin ngunit punit-punit. Mukha ngang balak niyang seryosohin ang sinabi niya noong gabing iyon.
At ngayon, hindi ko na alam. Sa buong pananatili ko rito mula ng bumalik ako ng Maynila ay wala pa akong nagiging balita sakanya. Kasalungat sa mga naiisip ko noong mga scenario sa isip ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang bagay na ito o ano.
Naalala kong pag-uwi ko ng gabing iyon ay literal na hindi ako nakatulog. Nagulo nanaman niya ang sistema ko. Ang dami-dami kong naiisip nang mga panahon na iyon. Kung minsa'y maiiyak pa sa sobrang gulo ng utak ko. Katulad ng sabi ko noon, tuwid na tuwid ang utak ko noong bago bumalik sa Maynila.
Ang emosyon ko ay isinaayos ko, ang mga naiisip ko ay inorganisa ko, ang galit ko ay sinubukan kong maalis sa sistema ko. Malinaw na malinaw palagi sa isip ko ang mga bagay na dapat at gusto ko lamang gawin pagdating ng Maynila.
Ngunit iba parin talaga pag nandoon ka na sa mismong sitwasyon. Narealize kong mahirap talagang kalimutan ang mga bagay na pinipilit mo lang sa sarili mong kalimutan.
"Wow matatapos na rin pala itong building na ito, no?"
Tinanaw ko ang building na sinusulyapan ng mga kasama ko maganda ang buong building. Moderno at puro salamin.
"Big time ata may-ari. Sikat daw. Ayun 'yong bali-balitang naririnig ko." Sabi ni Fascia.
"Chismosa." Pasaring ni Oliver na kinasimangutan nito.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi
