Chapter Thirteen
"Ayan, noong may night out, wala ka. Tapos ngayong busy kami, nanggugulo ka!!" Masungit na sabi ni Ember habang busy sa pags-scan ng mga papel na hawak niya.
Nandito ako sa department namin, ginugulo sila. Lunch time na kasi at eto sila nagtatrabaho parin. Kaya binilhan ko nalang sila ng sandwich at juice para atleast hindi sila malipasan ng gutom, dahil alam kong busy nanaman sila ngayon. Wala narin naman akong gagawin sa opisina dahil natapos ko na ang lahat.
"Kaya nga!" Gatong naman ng plastic na si Haley na gumagawa ng powerpoint. Inismiran ko silang dalawa.
"Kaya nga ako nandito, eh. Babawi ako, labas tayo maya?" nakangising sabi ko at halos mapahalakhak ako nang sabay-sabay silang lumingon sa 'kin na may masamang tingin.
"Ang yabang porket secretary ng CEO!!" Ngayon ay ako naman ang masamang tumingin kay Mona.
"Gaga ka!" Sigaw ko sakanya.
Napalingon ako sa glass door nang pumasok doon si Primo na may hawak na laptop. Tanging puting polo nalang ang suot niya ngayon na nakabukas ang unang dalawang butones. Ganito talaga ito palagi. Akala mo palaging may fashion show, eh! Hindi marunong maging pormal!
"Primo!" Napalingon siya sa 'kin nang tawagin ko siya.
Bahagyang yumuko ang kanyang ulo upang silipin ako sa likod ng kanyang salamin. Napaungot ako dahil doon. Nagpapapogi lang 'yan kaya ganyan! Mga galawan talaga nito ni Villegas, napaghahalataang babaero!
"Oh ginagawa mo dito? Wala kang dapat gawin?"
"Wala na. Wala rin boss ko diba? Natapos ko narin mga dapat gawin kaya safe na akong gumala-gala tsaka lunch time naman!" Sabi ko habang inaabot sakanya ang sandwich na binili ko sa cafeteria kanina. Inabot niya naman ito saka inalis ang wrapper at malaking kumagat doon.
"Wala parin boss natin?"
Umiling ako. "Wala pa."
Sabi-sabi pa siyang babalik na siya ngayon tapos wala pa pala. Pumasok pa ko nang maaga kanina para sana maunang pumasok sakanya tapos maghihintay lang pala ako sa wala! Hindi sa hinihintay ko siya pero marami na kasing trabaho ang nakatambak sa desk niya!
"Akala ko babalik na siya ngayon?" Sabi niya habang naglalakad papunta sa mini office niya rito sa loob.
Iniwan niyang nakabukas ang glass door kaya sumunod ako sa loob. Masyadong maaliwalas ang opisina niya dahil narin sa nakabukas na venetian blinds na nasa glass window ng opisina niya. May mga mangilan-ngilan ding halaman ang nandoon, sabi niya para raw may sapat na oxygen siya, napakaarte lang!
Its color palette was brown, white and black, pero mas lamang ang brown at white samahan pa ng mga halaman sa paligid kaya napakagaan tingnan ng opisina niya. Lakas maka-nature lover!
Hindi ko sinarado ang glass door, umupo nalang ako sa black na sofa na nandoon habang siya ay nagpunta sa table niya.
"Akala mo rin?" Sinubukan kong huwag ipahalata ang inis sa boses ko pero mukhang hindi ako nagtagumpay dahil mapang-asar na tumingin sa 'kin si Primo.
"Bitter, ah! Hinihintay mo, 'no?"
"Hindi, ah! Bakit ko naman siya hihintayin?"
Humalakhak naman siya. "Miss mo na!" Nagkibit balikat siya kasabay nang pagbato niya ng wrapper ng sandwich sa basurahan na nai-shoot niya naman.
"Hindi, 'no!" Napalakas pa ang boses ko at bahagyang tumuwid ang likod ko, handa nang dambahin ang nasa harap ko!
Tinaas niya ang magkabila niyang kamay saka mahinang humalakhak. "Okay okay, chill masyadong defensive, eh!"
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Fiksi UmumChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi
