Chapter Twelve
True to his words, after that day, nalaman ko ngang lumipad siya sa Batangas dahil nag-collapse raw ang building na pinapagawa nila roon kaya kailangan niyang pagtuunan iyon ng pansin. So my last few weeks were quiet and peaceful. After that so called revelation of him, I badly needed space without him. Masyado niyang ginulo ang tahimik kong mundo.
Today is Sunday, kahapon ay ginugol ko ang buong araw ko sa paglilinis ng condo ko kaya wala na akong magawa pa ngayong araw kaya naisipan ko nalang mag-shopping, pa-suhol ko narin siguro sa sarili ko. Masyado akong na-stress nitong mga nakaraang araw, so I guess, deserve ko naman ang gumastos ngayong araw.
I am currently blow drying my hair when the doorbell rang. Wearing only my bathrobe, I went towards the door and open it.
"Hi Lexi." Sumalubong sa 'kin ang nakangiting mukha ni Eliza, kapit condo ko.
"Oh hey, saan punta mo, ba't bihis na bihis ka?" Puna ko sakanya dahil napansin kong naka-ayos siya ngayon.
Siya ang pinakaclose ko rito sa building kaya alam kong sobrang dalang kung umalis nito ni Eli sa condo niya. Mas pipiliin pa nga nitong magpa-deliver nalang ng pagkain araw-araw kaysa umalis ng condo niya, eh. Kaya minsan sinasabay ko nalang sa pag-grocery ko ang kanya para atleast magkaroon naman siya ng matinong stocks.
"Pinababalik na 'ko ni daddy sa Brazil." Malungkot na sabi niya. Napatakip naman ako sa bibig ko. His dad?
"Nahanap ka na ng daddy mo?"
Eliza is a half-brazilian and half-filipina, nagkataon pa na nasa mataas na antas ng lipunan ang mga magulang niya.
Katulad niya ay ipinagkasundo lang din ang mga magulang niya sa isa't-isa, pero hindi naging madali ang lahat. Her mom had her long time boyfriend that time, but she had to leave him for his father, for their family's tradition.
Ngunit hindi katulad ng madalas nating mabasa sa mga nobela ay hindi nila nagustuhan ang isa't-isa kaya katulad niya, her mother runaway with the man she truly loves. But that time, she was already pregnant with Eliza. Her mother became depressed, so she committed suicide after giving birth to Eliza.
And now, Eliza was obliged to fullfill their family's tradition which is to arranged her own marriage to someone she doesn't know. And as an independent and brave woman that she is, she runaway, but not for the love, but for her own happiness and freedom. Isang taon na rin siyang namamalagi rito sa Pilipinas mula noong huli niyang pagtatago sa China kung saan nahanap din siya ng daddy niya.
Naisip ko nga, nangyayari parin pala ngayon iyong ganoong lumang tradisyon ng mga mayayaman, ano?
Ganitong panahon ko mas pinapasalamatan ang Diyos na hindi niya ko binigay sa ganitong ka-komplikado na pamilya. Oo, may kayang pamilya rin ang pinanggalingan ko pero hindi naman ganoon kayaman para gawing komplikado ang buhay ko. Naging sapat lang siya para maging komportable ang buhay naming lahat.
"Sadly." She painfully smiled. I can see the fear, disappointment and sadness in her eyes. I stepped closer to her and gave her a tight hug. Huminga ako nang malalim saka hinatak siya para yakapin.
"This is all I can do for now." I said while caressing her back. I heard her chuckled weakly.
Humiwalay ako sakanya para makita ang mukha niya. She's wearing make-up but that can't conceal her true emotions.
"Bakit ngumingiti ka pa? Kung naiiyak ka dahil hindi ka nagtatagumpay sa pagtatago sa tatay mo, sige lang, iyak ka lang. 'Di kita iju-judge." sabi ko na nagpatawa sakanya nang mahina kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi