Chapter Thirty Five

290 8 0
                                    

Chapter Thirty Five

Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot ni Margarette sa kanyang katawan bago ko inayos ang iilang hibla ng kanyang mga buhok na dumadampi na sa kanyang mukha. Nang masigurado kong malalim na ang kanyang pagtulog ay tsaka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Buong araw ay naglalaro silang dalawa ni Kit kaya hindi na rin kataka-takang makita siyang ganitong bagsak.

Dumaan muna ako sa aking kwarto at may kinuha saka ako dahan-dahang bumaba ng hagdan. Tahimik ang aking bawat hakbang hanggang sa makarating ako sa garden nila ate.

Naabutan kong may kinakalikot si Kit sa kanyang phone ngunit nang masulyapan ako ay ibinaba niya agad iyon. Palihim akong nagbuntong hininga saka ako dahan-dahang lumapit sakanya.

"Oh..." Abot ko sa wipes na kinuha ko kanina sa kwarto.

"Thank you." He responded as he reached for the wipes. Kumuha siya ng isa doon saka pinunasan ang kanyang mukha. Habang ako, I settled myself on the other end of the bench. Tuwid ang tingin ko sa mga bulaklak na nasa harapan namin.

Napalingon lamang ako kay Kit nang magsalita siyang muli. "Thank you for this.."

Sinulyapan ko siya. Inaayos niya na ang mga ginamit niyang wipes. Napakunot ang aking noo nang masilayan ko pa ang iilang bahid ng pambatang make up sa kanyang mukha.

"Meron ka pa rito." Turo ko sa kanyang kaliwang pisngi.

"Ha?" He answered and tried to wipe the make up away but nothing happened.

"Upper." I instructed. He did what I told him yet still nothing happened.

Malakas akong nagbuntong hininga at lumapit sakanya. Kinuha ko ang lagayan ng wipes at kumuha ng bago saka ko inayos ang pagpupunas sa kanyang mukha.

I am trying my best to maintain my composure despite his intense stares at me. Para akong sinisilaban hanggang sa loob sa uri ng titig niya sa akin.

"Stop staring like that." Suway ko sakanya.

Maliit siyang tumawa dahil doon.

"I can't help it. I am just dreaming of this last night." He said in a husky voice.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagpunas sa kanyang mukha nang bigla niyang abutin ang aking kamay. Nag-angat ang tingin ko sakanya. Nakasulyap lamang siya sa aking kamay.

I was about to take my hand back when I suddenly felt his thumb tracing my ring finger. Nagbaba ang tingin ko doon. Doon ko lang narealize na he was actually looking for my ring. Our wedding ring.

Binawi ko ang kamay ko sakanya at tumikhim.

"Ayan malinis na." Ani ko upang mapunta sa iba ang kanyang pansin.

Isinandal ko ang aking likod sa sandalan saka pinakatitigan ang mga bulaklak sa aming harapan.

"About the marriage contract..." Panimula ko. Sumulyap siya sa akin nang sabihin ko iyon ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"I talked to my lawyer about it. I asked for an annulment..." I utter.

Hindi siya sumagot. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang malakas na umihip ang hangin. Ngunit nanatili ako sa aking pwesto at hindi gumalaw kahit kaonti.

"Why do you want it?" He finally asked after seconds of silence.

Lumingon ako sakanya at ganoon din ang ginawa niya. His eyes were gloomy. Nakakapagtaka lang kung paano niya nagagawang walang emosyon ang ipakita sa kanyang mga mata kahit na ramdam ko ang pighati sa mga iyon.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon