Chapter Fifteen

436 16 0
                                    

Chapter Fifteen

"Hoy!! Grabe ka, sis! May ganong eskandalo pa talaga kayo sa opis, ha! Ang bongga!" Pagpasok ko pa lang ng building ay ang matinis na boses na agad ni Haley ang sumalubong sa 'kin! 

"Mga five minutes na siguro kayo nakaalis pero 'yung mga panga ng mga kasama natin, nasa sahig parin." Isama mo na itong si Fantazia.

"Girl, ang sarap naman kasi talaga ni Kit kahapon. Damn! I really love sweatshorts!!" Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Haley.

"Ah yes!!! Men plus sweatshorts equals perfect, bitch! Perfect!" Umiling si Fantazia saka ngumuso.

"Marami sa park, sis. Tuwing umaga, nagj-jogging.."

Fantazia slightly nodded her head. "Remind me to have a jog this weekend. I am planning to have this beach body before summer." Fantazia told us and slightly flipped her hair while still looking straight.

"Bitch, I'm in." Haley clicked her tongue.

Their faces were calm and smiling innocently like they weren't having this dirty topic now. Tumingin sa 'kin si Haley saka ako pinagtaasan ng kilay.

"Oh ano, hindi ka sasama sa 'min mag-jogging?"

Hindi pa ako nakakapagsalita ay sumabat na si Fantazia. "Ganyan 'yan, porket may Kit nang mahilig mag-sweatshorts, ayaw nang sumama sa atin!" Gatong niya.

"Gago ba kayo?"

Nang makapasok kami sa elevator ay si Fantazia na ang pumindot para sa amin.

"Oo nga, girl. Gusto kong maging physically fit, eh!"

Inismiran ko si Haley. "Gusto niyo kamong makabingwit ng lalaking physically fit na naka-sweatshorts!"

"Bingo!" Sabay na sagot nila sa akin.

Sa aming tatlo ay ako talaga ang pinaka tamad mag-exercise. I mean, ano ba, nakakatamad naman talaga! Huwag na tayong maging plastic! At isa pa, magb-boy hunting lang din sila bukas at hindi talaga mage-exercise.

Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa floor na nila kami ay naglakad na sila palabas habang ako ay nanatiling nakatayo roon. Tumigil si Haley sa may pinto at hinawakan ang labasan ng pinto ng elevator para hindi iyon magsara. 

"Ano hindi ka sasama sa oplan pagpapasexy namin?" 

"Nakaka—"

"Ikakalat namin na mag-ex kayo ni Kit!" Biglang singit ni Fantazia na nagpalaki ng mata ko dahil sa malakas na boses niya. 

"Damn you Fantazia! Pag may nakarinig sa'yo dy—" 

"Ipagkakalat din namin na hindi ka pa nakakamove on, ikaw rin." Nagkibit balikat si Haley saka mala-demonyong ngumiti.

"So ano, sasali ka ba o hindi?" Sabay silang ngumisi sa akin. Kita mo 'tong mga 'to talaga!!

"Oo na!" Napipilitan kong sabi.

"Ayan ha, hindi dineny na hindi pa talaga siya nakakamove on kay Kit!" Nag ngising aso sa akin si Haley kaya tinulak ko na siya para magsara na ang pinto at makaalis na ko. 

"Ewan ko sainyo!" Narinig ko pa ang halakhakan nila bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator. 

Nang makarating ako sa floor ko ay nadatnan ko ang grupo ni Kit na nagkalat doon. Uly and Kelvin was just wearing a simple shirt and pants with slippers. While Rhys and Toby were wearing their corporate attires. Pansin kong wala si Jordan at Finn. 

"Goodmorning, Lex!" Si Kelvin ang unang nakakita sa akin kaya siya rin ang unang bumati sa akin. Naglingunan silang lahat sa akin kaya nginitian ko silang lahat.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon