Chapter Ten
"Ms. Mariano!!" Napabalikwas ako nang may malakas na humampas sa table ko.
"Y-yes.. yes sir?" I straightened my back, panicking.
Mr. Fernandez, the head of the Finance Department chuckled when he saw my reaction. Amusement is on his eyes.
"30 seconds," He said.
"Sir?" Nalilito kong tanong.
"30 seconds kang nakatulala. Di mo man lang ako napapansin," He slightly puckered his lips. "Talaga bang hindi na 'ko kapansin-pansin? Is it because I'm getting old?"
I gaped at him. "No sir. Of course not. I-I'm just--" I stopped talking when he laughed. I even saw his complete set of teeth. Hindi ko nga lang sigurado kung totoo pa ang mga iyon.
Pero ganoon ba talaga ako katagal nakatulala? 30 seconds? Seriously?!
"By the way, nandiyan ba si Mr. Legaspi?" He asked.
I nodded my head and stand up. "Yes sir. Pasok nalang po kayo."
He nodded, still smiling. Nang makapasok na siya sa loob ay umupo na ulit ako sa swivelling chair saka bahagya iyong inikot-ikot. Sinandal ko ang likod ko sa backrest saka pumikit. I massaged the bridge of my nose. Medyo masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi ako tinantanan ng halik ni Kit!
Buong gabi atang gumagana ang utak ko. Patuloy kong naririnig ang mga sinabi niya sa 'kin pati narin ang pakiramdam ng labi niya sa labi ko.
Ito na talaga. Dito ko na talaga masasabing nawawala na ako sa daloy ng buhay. Hindi ako lasing kagabi kaya wala akong pwedeng irason sa karupukan ko. I just can't believe that after years and after accepting the fact that we're already over, I'm still a slave of his kisses. Sumusuko parin ako sakanya. Mas marupok pa talaga ako sa kisame ng bahay namin! Nakakainis!
Muli kong ginulo ang nakalugay kong buhok. Iniling ko ang aking ulo saka mahinang sinampal-sampal ang aking pisngi.
"Work na tayo, Lex! Tama na landi, please lang, cooperate ka naman!" At ayun nga ang ginawa ko, muli kong binalingan ang mga papel sa harapan ko.
Maya-maya ay napatingin ako sa pinto nang biglang lumabas doon si Mr. Fernandez. Nahihiya parin ako sakanya dahil nadatnan niya ako sa ganoong sitwasyon, lutang at tulala!
Ngumiti ako sakanya saka marahanag tumango. Nang makasakay na siya sa elevator ay binalik ko ang pansin sa ginagawa ko.
Kasalukuyan ko nang inaayos sa folder ang mga papeles nang biglang tumunog ang intercom na nakakonekta sa opisina ni Kit. My chest thumped so loud.
"Pumasok ka rito, Lexi." Ayun lang ang sinabi niya. Hindi ko maiwasang kabahan at panlamigan ng katawan.
Binitbit ko nalang ang mga folder saka pumasok sa opisina niya. Baka kasi ito iyong gusto niya kaya niya ako pinapapasok sa opisina niya.
Pagpasok sa kanyang opisina ay bumungad sa 'kin ang mga papel sa table niya at si Kit na busy'ng-busy sa pagtatype at pagpirma ng mga papeles. He is now wearing a dark blue polo shirt and white neck tie. He is also wearing his specs.
"Goodafternoon sir. Ito na po pala yung mga pina-organize niyo and pina-photocopy niyo. Iyong ibang pinapatype niyo ay ginagawa ko pa pero kung kailangan niyo na ay tatapusin ko na ngayon." Maingat ko iyong inilapag sa table niya. Hindi siya tumingin sa 'kin at nagpatuloy lang sa pagpirma ng mga papeles.
"Kahit sa makalawa mo na iabot iyon sakin. Lahat ng mga kailangan ko naman ay natapos mo na." Aniya na hindi parin nakatingin sa 'kin.
I nodded my head and was about to walk out his office when he talked.

BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Aktuelle LiteraturChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi