Chapter Nineteen

308 10 0
                                    

Chapter Nineteen

"Wooh" hiyaw ko para mabawasan ang hingal ko sa pagtakbo. Inilagay ko ang magkabilang kamay sa bewang ko saka pinakalma ang sarili ko at hinintay ang muling pagkalma ng paghinga ko.

Hindi ko rin alam kung paanong nakita ko nalang ang sarili kong nagj-jogging ngayon. Bukas na ang exhibit ni Juno and the last thing I remember, I was planning to go to the mall, but then I realized that it's too early and I don't have anything to do yet, so here I am.

Well, exercising is not that bad naman. Nakakapagod pero nakakagaan din pala ng katawan, so worth it naman. Mas lalo ko lang siyang na-appreciate ngayon dahil siguro tumatanda narin ako at malapit nang dapuan ng iba't-ibang sakit kaya kailangan ko nang umpisahan ang pagiging healthy living.

At isa pa, nandito ako sa taniman nila mommy nagj-jogging. So habang tumatakbo, kumakain din ako ng mga prutas.

Duh, atleast healthy pa rin. 

Pansin ko ring lumaki na ang taniman. Dati ay puro mga gulay lang ang narito, ngayon may mga prutas at kape na. Though majority pa rin ay mga gulay.

Napanguso ako saka tiningnan ang mga tanim na Kalabasa. Mukhang alam ko na kung anong ipapasalubong kay Primo.

I was just enjoying myself when someone called my name.

"Ma'am Alex?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Kuya Abel." Ngumiti ako sakanya.

Kinuha niya ang kanyang suot na salakot bago ako nilapitan. Malaki ang ngiti niya. "Nako ma'am, kayo pala talaga 'yan. Ang tagal niyo pong hindi nabisita rito sa La Constancia."

"Oo nga po. Naging busy kasi ako sa Maynila. Magbabakasyon lang po ako ng isang linggo rito tapos ay babalik narin ako."

"Ganoon ho ba? Kung gusto niyo ma'am, magpunta-punta po kayo rito pag wala kayong ginagawa. Ipapasyal ho namin kayo rito, marami narin kasing mga pagbabago rito na tiyak ikasisiya niyo."

"Talaga ho? Oo pansin oo ngang may mga kape narin kayo rito, Kuya."

"Naku, marami pa pong iba pa. Tiyak matutuwa kayo pag nakita niyo ang iba't-ibang mga tanim na prutas ho rito bukod sa mga ito." Turo niya sa mga punong hindi niya alam pinaglalantakan ko na ang mga bunga kanina pa.

"Baka naman makaistorbo ako sainyo rito, kuya."

"Hindi ho ma'am. Magpahatid nalang kayo kay Carlos rito kapag gusto niyong mamasyal." Aniya. Si kuya Carlos ang aming driver na sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho rin dito sa taniman.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Gusto ko rin talagang maglibot-libot dito. Baka tutulong narin ako sa pagtatanim kung hindi naman ako masyadong magiging abala sakanila. Gusto kong maging productive ang bakasyon ko kaya sa tingin ko, ito na iyon. Excited na tuloy ako!

Pag-uwi ko sa mansion ay wala si Juno. Paniguradong nagiging abala na iyon para sa exhibit niya bukas. Balita ko ay malalaking tao ang mga dadalo.

Tumungo na ako sa kwarto ko para maligo dahil nanlalagkit narin ako. Pagtapos ay nanatili ako sa veranda ng aking kwarto. May maliit na hammock doon kaya roon ako pumwesto.

Mula rito ay natatanaw ang buong plantation. Mas lalo pang naging kaakit-akit ang itsura dahil anihan ngayon ng gulay at prutas kaya kitang-kita ang iba't-ibang gulay at prutas mula rito.

Kinuhanan ko iyon ng litrato kasama ng bundok sa likod na nagsilbing background ng mga ito. Inilagay ko iyon sa aking Facebook at IG story na may caption na 'sunshine'.

May mga nagreply at nagreact sa aking story. I also check my message requests.

Madalas sakanila ay mga classmates and schoolmates ko noon na hindi ko masyadong close, may mga hindi rin ako kilala kaya hindi ko nalang pinansin. I'm not sociable type of a person, so I prefer talking with people whom I really know than those who are not. Hindi sa pagiging snob, pero nahihirapan lang talaga akong makipaghalubilo pag ganoon.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon