Chapter Twenty Nine

325 6 0
                                        

Chapter Twenty Nine

"Baka hindi kita masundo mamaya, dumiretso ka sa condo, doon nalang tayo magkita." Napatingin ako kay Kit nang abutan niya ako ng paper bag.

"Ano ito?"

Malawak akong napangiti nang makita ang laman noon. 

"Ikaw nagluto nito?" Nakangiti kong sabi. Tatlong transparent na lunch box ang nasa loob noon. Isa para sa kanin, sa Adobo, tapos 'yung isa ay may mga prutas na hiwa na.

"Yup! Ubusin mo 'yan, maaga akong nagising para diyan." Aniya. Maliit akong ngumiti. Nakaharap na siya sa akin habang nakapatong ang isang braso sa manibela at ang isa naman ay nasa sandalan.

He's now wearing a gray suite with white polo underneath. Nakabukas parin ang tatlong butones ng kanyang polo tapos ang necktie ay nakapatong parin sa dashboard. Tinabi ko muna ang paper bag niya saka ko inayos ang necktie niya.

"Pagtapos ng work diretso uwi, ha? Hintayin kita sa condo mo!" Pinagpag ko ang kanyang suit pagtapos kong ayusin ang necktie niya.

Ang gwapo gwapo ng jowa ko!

"Tapos gawa narin tayo bata?" Ang malamyos na paghagod ko sa kanyang polo ay nauwi sa malakas na hampas sa balikat niya.

"Bibig mo talaga!"

"Bakit?" Natatawa niyang tanong. Inirapan ko siya.

"Bakit?" I mocked him while making a face.

"Aalis na 'ko! Male-late na 'ko!" Inabot ko ang paper bag na bigay niya saka naghanda na upang bumaba ng sasakyan.

I was about to go out when he pulled my wrist.

"Alis ka na?"

I rolled my eyes. "Kasasabi ko lang hindi ba?"

Napanguso siya sa sinabi ko na para bang na-offend siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko sarili ko.

"Sungit!" He pulled my waist as he puckered his lips.

"Kiss." He even blinked his eyes like a baby!

Inararo ko ng palad ko ang mukha niya dahilan upang mapaigik siya.

"Kiss mo mukha mo!"

"Baby naman! Napakadamot! Kiss lang, eh!" Nagdadamdam niyang sabi. Ipinagkrus niya pa ang mga kamay niya!

Kita mo 'tong taong 'to talaga!

Umirap muli ako sa hangin bago siya binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi. Nang lumayo ako ay mayroon na siyang matagumpay na ngiti sa labi. Napailing ako kasabay ng mahihinang tawa!

"Bye!"

Nang makalabas na ako nang kotse niya ay hinintay ko munang mawala ang kotse niya sa paningin ko bago pumasok sa loob. Ngunit bago makapasok sa loob ay napahinto ako nang may makitang pamilyar na bulto ng dalawang tao na nag-uusap.

Parehas silang nakatagilid sa akin. Ang lalaki ay nakasuot ng itim na suit habang naka brush-up ang buhok. And I'm fucking sure as hell who is that. Nang bahagyang lumingon siya ay tuluyan ko nang nakumpirma ang pagkakakilanlan ng lalaki.

It's Primo!

Nangingiti siya habang kausap ang babae. Nakalagay pa sa bulsa ng kanyang pants ang dalawang kamay niya.

Nang balingan ko ang babae ay  tinitigan ko ito nang maigi. Nakasuot ito ng maxi dress na umaabot sa kanyang tuhod. Nililipad ng hangin ang dulo ng kanyang damit kaya nagmumukha itong dyosa mula rito sa kinatatayuan ko. Dagdag pa ang mahaba niyang buhok na kasabay ring iniihip ng hangin.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon