Chapter Thirty Seven
Muli kong inayos ang aking buhok na ngayon ay nakakulot ang dulo. Inikot ko ito sa aking hintuturo upang maging maayos ang itsura nito. Nang makuntento sa itsura ng aking buhok ay sinunod ko ang pag-aayos ng aking mukha. Naglagay lamang ako ng liquid eye liner para sa aking mata, blush para sa aking pisngi at isang nude lipstick. I also curled my extended lashes.
Nang matapos ay tumayo ako upang pagmasdan ang aking sarili sa salamin. I am wearing a burgundy silky polo, with its first two buttons open revealing my cleavage, and black leather skirt for my bottom. I paired it with my black pumps.
I moved side to side to see each angle. Ang tagal narin pala noong huli akong pumostura nang ganito. Sa Davao kasi, palagi kaming sa condo lang ni Kiko umiinom gawa nang kumpleto narin sa alak at kung ano-ano pa ang kanyang condo, palibhasa'y anak ng senador kaya yayamanin talaga.
Tumalikod ako upang makita naman ang likod na parte ng aking katawan. Nakatuck-in sa aking fitted na leather skirt ang aking polo kaya kitang-kita ang aking balakang. Kumpara dati ay mas lumiit ang aking bewang at lumaki ang aking balakang.
Fascia and Kiko taught us to go to gym every weekends. I mean, noon pa man talaga ay nag-ggym na 'ko pero mas lumala ngayon dahil sa kanilang dalawa.
Naaalala ko pa nga ang palaging patutsada sa amin ni Fascia tuwing hindi namin trip sumama sakanila.
"Isipin niyo na lang, malakas tayo uminom kaya dapat malakas din tayong mag-exercise, para mas mahaba ang panahon nating mag-inom."
Bumaling ang aking tingin sa aking phone nang bigla iyong mag-ingay.
"Primo..." sagot ko habang patuloy pa rin sa pag-tingin sa aking damit.
"Nandito na kami sa ibaba." Aniya.
"Pababa na ako." Kinuha ko ang aking bag saka lumabas nang aking unit. Sa entrance pa lang ng condominium ay tanaw na tanaw ko na sila gawa ng pinagtitinginan din sila ng mga tao roon.
"Hey..." kuha ko sa kanilang pansin. Halos sabay silang lumingon sa akin at nagtaas baba ang tingin sa akin. I slightly made a face on their reaction.
"Tangina, chicks!" bulalas ni Jordan na ngayon ay papalapit na sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Long time no see..." nakangiti niyang sabi. "Wala ka paring pinagbago. Kabog na kabog ka parin pagdating sa mga ganito."
Hindi ko maiwasang matawa sa ginamit niyang salita. Umupo ako sa likod habang silang dalawa naman ay nasa harap. Si Primo ang nag-ddrive. Buong byahe ay nakalingon lang sa akin si Jordan habang tinatanong ako ng mga kung ano-anong tanong.
"Hindi ko alam na may talent ka pala sa pag-susulat?" tanong niya nang masabi kong nagtatrabaho ako sa isang publishing company bilang writer.
"Hindi naman. Nakakaya ko lang magsulat." Nakangiwing balik ko. Naiilang sa uri ng tingin na ibinibigay niya. Para kasing manghang-mangha talaga siya na isa akong writer na ewan.
Napasulyap ako nang maingay na ngumisi si Primo. Napahinga ako nang maluwag ng mapatingin din si Jordan sa kanya ngunit bumalik din iyon sa akin.
"Base sa reaksyon ni Primo sinungaling ka." Akusa niya.
"Tangina mo, Jordan! Manahimik ka na nga lang napakachisoso mong hayup ka!"
"Gusto ko lang naman malaman para makabili ako ng mga librong ginagawa niya at mabasa."
"Edi bilhin mo lahat ng libro nila tapos hulaan mo na lang kung sino siya sa mga iyon."
"Tanginang 'to!" tuluyan nang umayos ng upo si Jordan.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Ficción GeneralChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi