Chapter Forty Five

386 6 0
                                    

Chapter Forty Five

"Sabi nila Kino galing daw probinsya."

"Oh, tangina niyo sabi ko sainyo, eh! Mga ayaw magsipaniwala ampotangina, akala mo laging niloloko!"

"Sino ba kasing maniniwala sa mukha mo, Jordan?" Natatawang hirit ni Kelvin.

"Ang gwapo natin, ah!"

"Syempre."

"Ulol!"

Malakas akong nagbuntong hininga saka masamang bumaling sa pwesto nila Jordan. I still need to review 2 chapters for the assessment later, yet these assholes won't fucking let me!

Sinarado ko ang libro saka ito muling inilagay sa loob ng bag. Hinalo ko ang shawarma rice sa aking harap saka  iyon kinain habang walang choice na makinig muli sa kanilang usapan.

"She's my thesismate." Napabaling ako kay Finn nang magsalita siya. Minsan lang naman kasi ito kung magsalita. Madalas ay pag tinatanong lamang siya o kaya'y tungkol sa acads, kaya nakakapagtaka na sumasali siya ngayon sa usapang babae nila Kelvin.

I guess that girl is really something for Finn to notice her?

"Gago, nag-react na si God Finn, mukhang chikabebe talaga." Tumawa si Toby.

"Kit, bye! Ingat ka sa pagbyahe, ha?" kung hindi ako nagkakamali ay kaklase ko rin ang babaeng ito sa ibang subjects. Humagikhik siya saka siniko ang isang babae na kanyang kasama. 

"Pakumusta narin sa kuya mo," ito naman ay hindi ko sigurado. Bago ang mukha niya sa aking paningin. Binigyan ko sila ng isang tango bago tuluyang lumabas ng classroom.

I glanced on my wrist watch, 6:03PM, I once again look at the skies, naghahati na ang liwanag at kadiliman doon. napahito ako sa paglalakad nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking phone.

From: Kuya
Where are you? Sabay na tayong umuwi sabi ni lolo. 😘😘

My forehead creased. I really hate his emojis! Jejemon.

I tsked. Pumwesto ako sa harap ng building kung saan matatanaw ang malaking estatwa ng kinatawan ng aming paaralan.

Accidentally, my eyes went to the girl standing at the foot of the statue, looking so confused. I unconsciously mimicked her when she pouted her lips while still looking at the statue.

Mabilis nangunot ang noo ko at umiwas ng tingin! Anong nginunguso-nguso ko? Fuck!

Hindi naman nagtagal ay nakita ko agad si kuya sa entrance ng building, tumatakbo papunta sa akin. I even caught a glimpse of lipstick stain on his collar. Kaya't paglapit niya ay hinatak ko agad iyon.

"May bakas pa."

"Damn!"

Umiling ako at naglakad na palayo. "Alisin mo na 'yan. Tiyak magagalit ang lolo." Ani ko.

Muli ay napatingin nanaman ako sa babae. Ngayon ay nakaupo na siya sa semento at tila ninanamnam ang hangin. The strands of her hair was flowing with the air. Mula rito ay malinaw sa aking tingin ang kanyang matayog at manipis na ilong at mahahabang pilik mata na sa tingin ko'y katulad din ng mga nakikita ko sa mga kaklase ko. Iyong tinatawag nilang fake lashes? False lashes? I don't know! Hindi siya gaanong kaputian, morena.

"Huy! Type mo?" Biglang sumulpot si kuya sa tabi ko. Inismiran ko siya.

"Hindi,"

"Hindi raw pero halos tunawin mo na sa titig?" Ang kanyang nang-aasar na tono ang lalong nagpainis sa akin. Nahubad niya na ang kanyang polo kaya tanging puting v-neck shirt nalang ang suot niya.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon