Chapter Three
Hindi ko alam kung ilang oras na kong nagtatrabaho rito nang marinig ko nalang ang pagbukas ng elevator kasabay nang halimuyak ng pabango ni Primo. Bakit nga ba hindi ko napansin itong amoy niya kanina?
Primo always have this manly but sweet scent. Yung tipong pag naamoy mo sa kalsada ay mapapalingon ka talaga sa may-ari ng amoy. Amoy boy next door kumbaga.
As usual, he is wearing his white dress shirt, black coat paired with black pants and grey tie. His hair was side parted kaya mas lalong nadedepina ang kanyang magandang panga.
"Tangina, may inasikaso lang ako, pagbalik ko secretary ka na ng temporary CEO natin? Napakalupit mo talaga, boss." Inilapag niya ang paper bag na may tatak na McDo. Umupo siya sa harap ko saka inilabas ang laman non.
"Gusto mo palit tayo." Ani ko habang nililigpit ang mga papeles sa lamesa ko para hindi marumihan dahil medyo makalat pa naman ako kumain.
"Ayoko nga. Ganito ba talaga pag secretary ng CEO, Alas dos na kumakain?" Nakabusangot niyang tanong kaya napatawa ako nang mahina. "Kung hindi pa ko madasaan dito ay baka nakaligtaan mo na talagang patay-gutom ka sa totoong buhay."
"Hindi ko lang namalayan 'yung oras." Nang maamoy ko ang pagkain ay doon ko pa lang naramdaman ang gutom ko kaya naging mabilis at sunod-sunod ang pagsubo ko ng kanin na may ulam.
"Kita mo, gutom na gutom ka na. Hindi ka naman na-promote o ano kaya huwag kang magpakitang gilas. Kumain ka sa tamang oras. Ayan tayo, e. Porket ex 'yung boss ayaw nang iwan. Bakod to the max!" My eyes widened at what he said. I averted my gaze to my boss' office at napahinga nang malalim nang makitang nakasarado parin iyon.
Nilunok ko ang pagkain na nasa bibig ko, then I leaned closer to the table and glare at him. "Ikaw putangina mo talaga. Mag-tigil ka diyan. Mamaya marinig ka nun tapos isipin may gusto pa ko sakanya." Bulong kong asik sakanya pero ang loko ngumisi pa.
Nilapit niya rin ang katawan niya sakin at bumulong. "Bakit, wala ba?"
Nasa ganoong tagpo kami nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko kaya mabilis akong lumayo at sumubo sa pagkain ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pagtingin sa lalaking kakalabas lang ng pinto.
There and then, I realized how different the smell of Primo and Kit. Kung si Primo ay amoy gwapo, si Kit naman ay amoy matapang at agaw pansin. Kung kay Primo, natural kang mapapalingon. Dito kay Kit ay parang may tutulak sa ulo mong lingunin ang may-ari ng amoy. In short, his smell was too intoxicating and addicting.
"Goodafternoon, sir." Bati ng gago na si Primo. Nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain habang nagbabatian sila.
"Goodafternoon. Why are you here?" Kunot noo'ng tanong nito kay Primo.
"Ah, sir. Dinalhan ko lang po ng pagkain itong si Lexi. Kakabalik ko lang rin po galing sa meeting with Mr. Clarete and these are the files including the contract sir. We finally closed the deal." Ngiting-ngiting saad ni Primo na proud na proud nanaman sa sarili niya. Hindi ko maiwasang mapangisi rin sa itsura niya. Napakayabang.
"Good."
Bumaling ako kay Primo nang maramdaman ko ang halik niya sa ulo ko. "Alis na ko. Marami pa kong gagawin sa office. Ubusin mo lahat 'yan. Huwag ka na ulit magpapalipas ng gutom." Bilin niya sa akin bago pumanhik sa elevator. Kita ko pa ang pag kindat niya sakin bago tuluyang magsarado ang pinto.
"Tss." Napabaling ako sa kahoy na pinto nang malakas itong nagsara. Akala ko aalis 'yun? Tumunog ang intercom na nakaconnect sa opisina ni Kit kaya pinindot ko iyon agad.
Nandito na nga kanina hindi pa sinabi ng personal. Halatang-halata na ayaw makipag-usap sakin. Akala mo naman gusto ko rin.
"Yes s--"
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Narrativa generaleChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi