Chapter Thirty

319 5 0
                                        

Chapter Thirty

Hindi ko sigurado kung ilang minuto na akong nakatitig sa aking daliri. Simpleng ginto na singsing lamang ang aking suot, walang dyamante o kahit na ano pero para bang napakaganda niya sa paningin ko.

Nakakatuwang ang katumbas ng simpleng gintong singsing na ito ay ang pangmatagalang samahan na naghihintay sa amin ni Kit.

Kasabay nang pagpayag kong suotin ang singsing na ito, ay ang pagpayag ko ding harapin ang buhay habang hawak ang kanyang kamay.

Muli akong napatingin sa dagat na nasa harap ko. Alas kwatro pa lang ng umaga kaya naman nag-aagaw pa ang dilim at liwanag sa kalangitan, tanda na papasikat pa lang ang araw.

Kinikipkip ko ang kumot sa aking dibdib nang muling umihip ang hangin. Muling nagulo ang aking buhok ngunit hindi ko na ito inayos pa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang damhin ang simoy nito, dinilat ko rin nang kumalma ang hangin.

Ang alon ay madramang humahampas sa mga malalaking bato malapit na pampang. Kung mahilig siguro ako sa musika ay naisipan ko nang gumawa ng music video rito.

I was just busy appreciating the beauty of thr waves and watching the sunrise when I suddenly felt a strong pair of arms caging me. His natural scent filled my nose. Kahit hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha ay kilalang-kilala ko na ang may-ari ng halimuyak na iyon.

"Ang aga mo nagising, mukhang kulang performance ko, ah." Birong bulong niya sa likod ng ulo ko gamit ang kanyang paos na boses.

Hinampas ko ang braso niyang nakapulupot sa akin. "Tumigil ka, kilala ko 'yang mga ganyan mo."

I felt his breath as he chuckled. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg kaya hindi ko maiwasan mapatingala. Kahit alam kong mangangalay ako ay hinayaan ko na. Isinandal ko nalang ang aking likod sa kanyang dibdib.

"Siguro..."

Hindi ko maiwasang mapailing sa kanyang pagbitin sa sasabihin.

"Siguro?"

"Siguro isa akong sundalo o kaya naman mabuting government official noong unang buhay ko." Parang wala sa sariling sabi niya. Siningkit ko ang mga mata ko kasabay nang pagkunot ng aking noo.

Sa lahat ng pwedeng sabihin sa ganito kagandang moment, sakanya ang pinaka pangit talaga!

"Aba, bakit naman?"

Gumapang ang kanyang mga kamay papunta sa kamay ko kaya napatingin ako roon. Hinuli ng kanyang mga daliri ang palasingsingan ko kung nasaan ang simbolo ng pag-iisa namin.

"Dahil dito..." 

Napalunok ako nang pakiramdam ko ay may nagbabara sa aking lalamunan.

"Kasal na tayo." Inikot niya ako paharap sakanya saka tinitigan ang kamay ko kung saan nakasuot ang aking singsing.

"Sa wakas, kasal na ako sa 'yo, mahal ko..."

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang lambing at tuwa sa kanyang mga mata. Para kong tinititigan ang binatang sinagot ko noong college. The same emotions were evident in his eyes. Ang liwanag ng kanyang mukha, pati narin ang ngiti sa kanyang labi. Kilalang-kilala ko ang mukhang ito. Pati ang pamilyar na paghuhurumentado ng dibdib ko ay pamilyar.

Sa simpleng pagtitig sa kanyang mga mata, para akong binalik sa nakaraan kung saan bago pa lang ang pag-iibigan namin. Kung saan puro mga rosas at puso lamang ang nasa paligid.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi sa aking isip. Funny how many years had passed, how many tears I cried, yet here I am still crazy with my own love for him.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon