Chapter Twenty Five

288 8 0
                                    

Chapter Twenty Five

I'm not sure how many times did I steal a glance on Kit, but I still couldn't get enough of him.

Pagtapos naming mag-usap sa office niya ay para akong pinukpok ng bato sa ulo. Mas lalo ko lang naramdaman ang pagmamahal ko sakanya. Mas lalo niya lang akong binigyan ng rason para patuloy na mahulog sakanya.

Until now, I'm still in awe of how he can manage to tell me those words after everything that I did.

Nahugot ko ang hininga ko nang bumaling siya sa 'kin bago ako binigyan ng maliit na ngiti. Nakahawak sa manibela ang isa niyang kamay habang hawak ko naman ang kabila.

Hawak ng dalawang kamay ko ang kanya. Nilaro ko ang kanyang hintuturo saka ito ipagdidikit sa aking hintuturo.

I can also feel and see his veins. Ngayon ay alam ko na kung bakit ang daming babae ang nahuhumaling sa ugat sa kamay ng mga lalaki. Though, hindi naman ako nahuhumaling sa ganito ni Juno o ni Primo.

Pero pagdating kay Kit, para sa 'kin ay kahuma-humaling ang lahat sakanya.

Napatingin ako sakanya nang pisilin niya ang kamay ko.

"What are you thinking?" Tanong niyang naniningkit ang mga mata, halatang naaaliw sa itsura ko.

Alam ko naman. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ko, alam kong mukha akong luging-lugi rito. Para akong gumawa ng kasalanan na pinatawad agad tapos ngayon ay nahihiya dahil mabilis napatawad. Actually hindi parang, ganoon talaga!

"Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nasa isip mo? Tell me." Dagdag niya.

"Mahal kita, Kit..." Bulong ko. Para nanamang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

Naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa akin. Sumulyap muna siya sa daan bago sa 'kin. Dinala niya ang aking kamay sa kanyang bibig bago ito pinatakan ng magaan na halik.

"Don't think too much. Rest, baby."

Nang makarating kami sa parking ng condo ay mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon niya.

Naaaliw niya naman akong tiningnan.

"I'm not leaving, Lexi. Don't run."  Aniya.

"Aalis ka na ba agad?" Alanganin kong tanong.

Kinuha niya ang kamay ko saka ako hinila. "Ihahatid muna kita. Hindi kita iiwan dito nang ganyan ang itsura mo."

"Bakit ano ba ang itsura ko?"

"Mukha kang susunod sa 'kin habang tumatakbo ang kotse ko." Asar niya.

Malakas ko naman pinalo ang kanyang matigas na braso.

Magkahawak-kamay lang kami hanggang sa elevator. Pero nang bumukas iyon ay nauna akong lumabas.

Napahinto ako nang bumungad sa 'kin si ate na bitbit ang isang paper bag. Nang mapatingin siya sa akin ay binigyan niya ako ng malaking ngiti bago naglakad papalapit sa 'kin.

"Ate Allanis..."

"Paampon muna ako ngayong gabi. Si Aleia kasi atsaka si Harry ayaw akong isama sa pupuntahan nila. Nagdala naman ako ng drinks so hindi ka na lugi." Masiglang sabi nito.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis na lumingon. Sa papasarang elevator ay nasulyapan ko ang malungkot na mata ni Kit na nakatanaw sa 'kin, hanggang sa tuluyan na itong magsara.

Para nanaman akong tinakasan ng ulirat. Hindi siya lumabas ng elevator dahil nakita niya ang ate. Alam niyang ikinahihiya ko siya kaya hindi siya sumunod sa akin.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon