Chapter Thirty Four

287 7 2
                                    

Chapter Thirty Four

"Are you sure about that?"

Ate Allanis turned her head to face me. She's currently baking right now. Ang kanyang buhok ay nakataas sa isang messy bun at nakasuot ng kanyang kulay pula na apron.

"Yup, nasa kanya raw 'yung pusa mo."

"Paano? I mean sana naman kinuha mo, ate!"

"Noong nagpunta ako doon, ayun 'yong bungad sa 'kin nung receptionist. Hinabilin sakanya na kung sakaling may gustong bumisita sa condo mo, ipasabi na nasa kanya si Sheysie."

Huminga ako ng malalim saka nagsimulang kainin ang cookies sa harap ng table. Ngayon paano ko kukunin 'yung pusa ko sakanya? Tatlong taon naring nandoon si Sheysie! Sobrang tagal na!

Nagyuko ako ng ulo sa table saka ipinukpok doon ang ulo ko. Bakit naman kasi hindi ko naisip na maiiwang mag-isa si Sheysie sa condo ko kung sakaling aalis ako? Napakatanga!

"Ano may balak kang kunin 'yong pusa mo? Tatlong taon na rin si Sheysie sakanya. Kung tutuosin mas mahaba pa nga silang nagkasama kaysa sainyo."

"Kung ganoon, anong gagawin ko iiwan ko nalang sakanya si Sheysie?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin habang minamasa parin ang dough.

"Hindi naman sa pang-aano, pero gugustuhin mo paring kunin 'yong pusa? Paano kung si Eliza na pala nag-aalaga sakanya?"

Para akong pinukpok ng bato sa ulo sa naging tanong niya. Hindi ko naisip iyon. Oo nga naman! Tatlong taon na ang nakakalipas, hindi malayong kasal na sila at nagsasama na sa isang bahay. At hindi ko alam, baka may mga anak narin sila. Hindi ko alam. Wala akong alam at wala narin akong balak alamin ang kahit ano.

"Kukunin ko parin si Sheysie..."

"At?"

"Anong at?"

"At ano? Pagtapos mong makuha si Sheysie, anong mangyayari?"

Tumayo ako sa inuupuan ko at inabot ang susi ng kotse ko.

"Edi nakuha ko na. Isasama ko sa Davao si Sheysie, ate."

"Hindi kaya manibago 'yun at bigla-bigla mo nalang kukunin?"

"Pwes anong gagawin ko, hayaan silang angkinin ang pusa ko? Alam kong ang asawa niya ang nagbigay sa akin kay Sheysie and who knows, baka siya rin nag-presintang alagaan ang pusa ko. Pero akin 'yun, ate. Kukunin ko na 'yong pusa ko." Tumalikod na ako upang maglakad paalis. Narinig ko pa ang mahihinang halakhak ni ate na hindi ko naman alam kung para saan.

Dumiretso ako sa kompanya ni Kit dahil wala naman akong ibang maisip na lugar sa kung saan siya kikitain. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na kung gaano kalaki ang ipinagbago ng building sa loob lamang ng tatlong taon. Iniwas ko ang aking tingin at nagtuon na lamang ng pansin papunta ng parking ng building.

"Naku, ma'am, sorry po hindi po kasi pumasok si Sir Kit ngayon."

"Talaga? Paano ko kaya siya makikita ngayon? Any idea where could I see him? Imporante lang." Kahit na hindi ako siguradong masasagot niya ang tanong ko ay sinubukan ko parin.

I'm also starting to think of alternative ways on how could I meet him again when suddenly, his secretary handed me a small paper. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang pamilyar na penmanship. 

"Ayan po ang address ni sir, ma'am. Baka po nasa bahay niya po siya ngayon at doon po nagtatrabaho." Ngumiti ito sa akin bago nagpaalam na aalis na.

Muling bumaba ang tingin ko sa papel. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi naman ako nawalan ng sense of direction. Alam ko ang address na ito, ito ang address ng condo niya. Hindi ako pwede magkamali. 

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon