Chapter Eleven
"Bumalik ulit kayo rito, ha?" Nakangiting sabi ni Nanay Josephine, nanay nila Amanda.
"Opo, nay. Salamat po sa masarap na pagkain. Nabusog po kami." Hinawakan ko pa ang tiyan ko at hinimas iyon. Natawa naman siya sa 'kin.
"Salamat rin sa pasalubong sa mga bata, Kit." Bumaling siya kay Kit saka ngumiti nang matamis.
I took a side glance at Kit. He is smiling now. "Wala po iyon. Salamat ulit. Mauuna na po kami."
Nagpaalam na kami sakanila saka naglakad paalis. Inangat ko ang aking braso para masulyapan ang oras.
"Oh my God!"
Kit stopped walking and faced me. "Why?"
"5 pm na. May mga naiwan pa akong trabaho sa opisina!" Nagmamadaling sabi ko saka naglakad nang mabilis.
Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung natatambakan o may naiiwan akong trabaho. Ang gusto ko ay pag nasimulan ko, tatapusin ko. Kahit na sinabi ni Kit na hindi niya pa kailangan iyong mga pinapagawa niya sa 'kin ay kailangan ko parin iyon matapos nang mas maaga para wala ng hassle para sakanya at syempre para rin sa 'kin.
Sa 'kin lahat ng sisi kung sakaling hindi ko nagawa o natapos iyon sa tamang oras. So I was already eager to go when I felt his hands gripping my wrist.
"Hindi mo kailangan magmadali." Mahinahong sabi niya. Nangungusap ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Pero y--"
"Nandito ako kaya nandito rin ang trabaho mo." He seriously said, eyes pierced at me. His lips twitched as his jaw clamped.
Tinaasan ko siya ng kilay saka ko inilagay ang kamay ko sa aking bewang. "May mga kailangan ako trabahin na mga papeles, sir. At iyon ang tabaho ko, hindi ikaw." Umirap ako sakanya.
Ano bang gusto niyang palabasin?
"I'm your boss." He said with finality in his voice.
I raised my brow on him. "And so? I still need to fini--"
"Fine," he exclaimed.
Bakit ba ang hilig niyang putulin ang mga sasabihin ko?
"Ipapagawa ko nalang sa iba ang mga gawain mo para maibigay mo sa akin ang atensyon mo" he said that while dialing someone's number in his phone. Umiigting ang kanyang panga habang busy sa pagtitipa sa kanyang phone.
"Hello Mr. Fernandez? Can I have a favor?" Even when he's asking a favor, authority is still visible in his voice. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Hihingi na nga lang siya ng pabor kay Mr. Fernandez pa?! Head iyon ng Finance department namin at hindi basta-basta kung sino lang.
Nakakahiya talaga itong taong 'to! Ano bang akala niya? Porket siya ang acting CEO ngayon ay pwede niya nang utos-utosan ang mga nasa ibaba niya para sa mga ganitong kababaw na bagay?
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mariin kong kinurot ang tagiliran niya kaya napaigik siya dahil doon. Sinenyasan ko siyang patayin ang tawag.
Pero ang loko, pinaglaruan pa ako. Tinuro niya ang kanyang phone na parang nagtatanong pa at hindi maintindihan ang simple kong mga senyas sakanya, kahit na halatang natatawa na siya sa mukha kong iritado.
I mouthed "Put it down."
Sumenyas naman siya na parang wala siyang narinig. Kumakabog na ang dibdib ko sa hiya sa kausap niya.
I rolled my eyes at him. Until now, he really knows how to push all my buttons! So obviously, I don't have a choice! Alam na alam ko ang mga gnitong kilos niya. Gusto niya talagang iniipit ako sa mga ganitong sitwasyon sa buhay ko. I hate him!
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
قصص عامةChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi