Chapter Twenty One
"Ate Alicia, tama po ba ito?" Tanong ko habang patuloy na ginagawa ang turo niya sa akin kanina.
"Oo hija, ganyan nga. Ang bilis mo matuto, ah!" Ngiti niya sa akin. Bumungisngis ako saka pinagpatuloy ang pagpitas ng mga kamatis.
Nagningning ang mga mata ko nang makita ang isang perpektong kamatis para sa akin. Nag-aagaw ang kulay kahel at berde sa balat nito. Ganito ang palagi kong pinipili sa grocery dahil gusto ang texture at kunat pag ganito pa lang ang kulay nito.
Pinunas ko ang pinitas na kamatis sa aking gray na t-shirt na pinatungan ko ng maong na jumper. Pinili kong magjumper dahil nag-picture muna ako kanina bago mamitas ng mga prutas. Ito ang tinuturing kong unang araw ko sa paghaharvest. I mean, nagawa ko na rin ito pero bata pa ako noon at hindi ko na maalala ang mga detalye kaya ito ang unang pagkakataon na maaalala ko.
Kumagat ako sa kamatis na nakuha ko at hindi nga ako nagkamali. Ganito ang mga paborito kong kamatis! Magdadala talaga ako ng maraming gulay at prutas sa Manila dahil paniguradong mamimiss ko ang mga ito! Iba talaga pag kakapitas pa lang, napakasarap! Ang fresh!
Kinuha ko ang basket na dala ko saka naglakad upang maghanap ng mga kamatis na kalahating hilaw at kalahating hinog na. Pero kung tutuusin ay hilaw pa talaga. Napagpasyahan ko na puro ganoon nalang ang pipitasin ko para dadalhin ko sa bahay mamaya.
"Ma'am Alex?" Napalingon ako sa tawag ni Kuya Abel. Natanaw ko palinga-linga siya at hinahanap ako. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nagmadali siya papunta sa akin.
"Bakit po kuya?"
"Ma'am, may bisita po kayo." Aniya.
Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon.
"Sir!" Tawag niya sa taong mukhang bisita ko ata.
Nanlaki ang mga mata ko at halos mabitawan ko ang dala kong basket nang bumungad sa akin ang preskong-presko'ng si Kit.
Nakasuot siya ng gray na plain round neck shirt, black na jagger pants at puting sneakers. Kumislap ang suot niyang hikaw.
"There you are.."
Hindi parin ako nakapagsalita sa gulat. Nakita kong nagpasalamat siya kay Kuya Abel bago ito tumulak paalis.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nanlalaki parin ang mga mata. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid.
"Ang daming kamatis."
"Malamang taniman ito ng mga kamatis! Anong ginagawa mo rito?"
Doon na siya napatingin sa akin. Sinilip niya ako mula sa likod ng kanyang shades.
"Yayayain sana kitang mag-momol." Nakangising aso na sabi niya kaya binato ko sakanya ang kamatis na kinagatan ko na kanina. Tinitigan niya iyon bago sinubo nang buo. Napanganga ako.
"Bakit mo kinain?!"
"Sabi nga nila pag binato ka ng kinagatan na kamatis, kainis mo nang buo."
Inirapan ko siya saka tinalikuran na. "Anong sabi nila? Mangdadamay ka pa talaga sa mga kalokohan mo, ah!"
Humalakhak siya sa sinabi ko. Pinagpatuloy ko ang pamimitas ng mga kamatis.
"Don't tell me nag-leave ka para mamitas ng mga kamatis?"
Nag-leave ako para makalayo sa 'yo, kaso sunod ka nang sunod kaya wala rin!!
"Oh anong problema don?"
"Wala naman, tulungan nalang kita." Pumitas din siya ng mga kamatis, inipon sa kanyang mga kamay saka ilalagay sa basket ko.
"Marunong ka rin mamitas ng mga ganito?" Tanong ko dahil napansin kong maayos ang pagkakapitas niya at parang sanay na sanay.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Genel KurguChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi