Chapter Forty Three

260 5 6
                                    

Chapter Forty Three

Napahawak ako sa tiyan ko nang muli ko nanaman maramdaman ang pagduduwal. Napahawak ako sa gilid ng lababo habang pilit isinusuka ang laman ng tiyan ko ngunit parang ubos na ubos na ito at wala nang mailalabas pa.

"Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni ate habang hinahagod ang likod ko. Sinungkit niya ang mga hibla ng buhok ko na muli nanamang tumabig sa mukha ko.

"H-hindi ko na sigurado." Sagot ko. Dahil sigurado na akong hindi talaga ako maayos. Pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko at tuluyan na itong bibigay sa sobrang panghihina at panginginig.

"Ilang araw ka nang ganito." Aniya. Inalalayan niya ako paupo sa dining table saka ako binigyan ng pagkain.

Sumandal ako at pumikit. Ramdam ko ang panginginig at panunuyo ng labi ko.

Wala akong oras para maging mahina. Ang dami ko pang kailangan ayusin. At si Kit. Kailangan ko pa siyang mapabalik sa akin. Kailangan ko pang malaman ang mga nangyari sakanya noong wala ako.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin nalalaman ng buo ang istorya. Kung ano ang mga nangyari sakanya at bakit siya ang tinuturo ng media na pumatay sa kanyang lolo. Kilala ko si Kit. Kahit na mayroong kasalanan sakanya ang lolo niya, alam kong hindi niya magagawa iyon. Kahit kailangan hindi iyon magagawa ng asawa ko.

That same day, as what I'm expecting bumisita nga si Kuya Apollo sa bahay.

Gustong-gusto ko makausap si Kuya Apollo tungkol don ngunit hindi ko naman maatim na istorbohin silang mag-ama. Kaya naman nanatili nalang ako sa kwarto. Dinampot ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table sa gilid ng kama, nagbabakasakaling may makikita akong mensahe galing sakanya ngunit wala parin. Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng pakiramdam ko dahil doon.

Parang nag-iinit nanaman ang mga mata ko. Nagtipa ako ng mensahe para sakanya.

To: Kit

I'm missing you each day... Where are you? I'm so sorry...

As usual, there's no reply. And it's not that I'm really expecting for him to reply knowing what I've actually done to him, but I still couldn't help...

Humiga ako sa kama at niyakap na lamang ang unan. Nararamdaman ko nanaman ang hilo ko.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa boses ni Ate Allanis na tinatawag ako mula sa labas. Niyaya niya akong kumain ng meryenda. Nagsabi na lamang ako na susunod ako.

Pumasok ako sa banyo upang maghilamos dahil nararamdaman ko nanaman ang hapdi ng aking mga mata. At tama nga ang hinala ko, pag tapat ko sa salamin ay namamaga nanaman ang mga mata ko. nagbago na rin ang itsura ko. Lubog at nangingitim ang gilid ng mga mata ko. Nagsisimula na rin akong magkaroon ng mga tigyawat sa mukha, halatang-halata narin ang pagpayat ng pisngi ko.

I sighed heavily and pushed my long hair back. Napagpasyahan ko nalang din maligo kaya medyo natagalan ako bago lumabas.

Si Margarette agad ang bumungad sa akin pagbaba. She waved her hand at me, so I smiled at her as a response.

Kahit na mukhang masarap ang mga cupcakes na binake ni ate ay hindi ko pa rin talaga maramdaman ang gutom ko kaya naman nagtimpla na lamang ako ng hot chocolate saka ako nagpunta ng garden para doon tumambay.

Pumwesto ako sa pang-isahang hammock doon, sinampa ko ang aking mga binti at niyakap iyon. Blangko ang utak ko. Nakatitig lamang ako sa mga dahon na panay ang pagsayaw dahil sa malakas na ihip ng hangin. Nilipad sa mukha ko ang buhok ko ngunit hindi na ako nag-abala pang alisin iyon.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon