Chapter Thirty Nine
“Is he already asleep?” pagbaba sa hagdan ay natagpuan kong nakaupo si Kit sa sofa habang kinakalikot ang kanyang phone.
“Yeah, napagod ata sa paglalaro niyo.” Naupo ako sa loveseat na nasa kanyang unahan.
Kita ko ang kagustuhan niyang sumalungat sa pag-upo ko sa kanyang harap ngunit wala akong narinig mula sakanya. Isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng upuan at itinaas ang kanang kamay doon habang patuloy parin ang paninitig sa akin. Nag-init ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.
Ano bang tinitingin-tingin niya? At bakit ganyan siya kung makatingin sa akin? Masyado namang bulgar!
Parehas kaming napabaling sa kanyang phone nang tumunog iyon. Dinampot niya iyon at tiningnan. Ngayon ako nagkaroon ng oras upang lalong matitigan ang kanyang mukha.
Just like how I always remember his face, thick eyebrows, thick lashes, dark yet captivating eyes, proud nose, red lips, and his perfectly chiseled jaw.
Kahit kailan ata ay hindi naranasan ng lalaking ito ang maging pangit. I’ve seen his old pictures and he was just a cute little boy who has a strong features. Samantalang ako noon, haggard na haggard ang mukha ko sa mga old pictures. Puro naka-peace pa o kaya'y nakanguso. Wala akong matinong pictures lalo na noong teenager na usong-uso ang bangs na kalahati ng mukha ang natatakpan.
Bahagyang nakabuka ang magkabilang binti nito at nakapatong ang magkabilang siko sa tuhod habang patuloy ang pagtitipa sa kanyang phone. Kitang-kita ko mula rito ang kanyang malaking braso at ang bawat pag-flex ng kanyang muscles tuwing iginagalaw niya ito. Sumandal muli siya sa sandalan ng upuan dahilan upang mas maging malinaw sa akin ang kanyang malapad na balikat. hindi ko tuloy maiwasang isipin kung tumira ba ito sa gym at naging ganito naman kaperpekto ang hubog ng kanyang katawan.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang sumulyap siya sa akin. Narinig ko ang kanyang pagngisi dahilan upang mag-init ang pisngi ko. Nagrereklamo ako sa pagiging bulgar niya kung manitig, eh, ganoon din naman ako sakanya. Wala na bang mas ikakapahiya ito?
Tumunog ang kanyang phone kaya napatingin muli ako doon.
“I’ll just take this call,” paalam niya bago tumayo at lumayo sa akin.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Kinurot ko ang aking hintuturo upang parusahan ang sarili ko sa paninitig sakanya kanina. At hindi ko rin naman maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito pa ako kung kumilos. Mag-asawa na kami pero heto ako at may pahiya-hiya pang nalalaman. Pero maghihiwalay na kami. I mean hiwalay na kami, we just need to have a legal document na pumuputol sa ugnayan namin para maging pormal at ganap na ang paghihiwalay namin na ayaw niya namang ibigay sa akin. At ewan ang gulo-gulo ko na!
Sa phone ko naman ako napatingin nang tumunog to. Julian’s name appeared on it.
“Hoy…” bungad ko.
He chuckled. “Hi to you too my sweetiepie.”
“Sweetiepie ka diyan. Corny mo talaga!” Muli nanaman siyang tumawa sa kabilang linya.
Namumuro na kakatawa itong isang ito talaga, eh.
“Nandyan ba si Chester?”
“Oo, hinatid dito ni Allan kanina.”
Nakarinig ako ng mga papel sa kabilang linya. Doon ko napagtatong nagtatrabaho parin ito hanggang ngayon. “He told me that you’re with a guy. Who’s that?”
“Hindi ko alam na katulad mong chismoso narin pala si Allan.”
“Answer me, Lexi! Hindi ba’t sinabihan kita na huwag magpapapasok ng kung sino-sino sa bahay mo? Paano kung may gawin siyang hindi maganda sa ‘yo? Malayo ako, hindi kita mapupuntahan agad diyan.”
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Aktuelle LiteraturChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi