Chapter Twenty Eight
R18
"Kit, bakit parang pamilyar 'tong dinadaanan mo?" I creased my forehead as I tried to familiarize the road he's taking.
"Hmm." Napalingon ako sakanya.
He's now wearing a white fitted long-sleeves and a simple maong pants, paired with white shoes. His eyes were covered by his aviators. He's half smiling while he maneuvers the wheel.
I unconciously licked my lower lip. Kahit napakasimple ng kanyang pananamit ngayon ay umaapaw parin ang kakisigan niya na para bang ipinanganak siya para rito, para ipangalandakan ang kagwapuhan niya.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano bang meron sa akin at na-inlove itong lalaking ito. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang paikutin ang mga kababaihan sa kanyang palad at tumalon sa isa mula sa isa.
"Kit..." I silently called him. Mabilis siyang lumingon sa akin. Nakita ko pa ang mabilis na pagkunot ng kanyang noo, ngunit agad din naman itong nawala. Ang nakapatong na braso sa bintana ay inihawak niya narin sa manibela, tila naghahanda sa aking sasabihin.
"Hm?" He replied without looking at me.
"Bakit ako parin?" Simpleng tanong ko.
Ngayon ay nagtagal na ang pagkunot ng kanyang noo. Sinilip niya ako saglit saka ulit tinanaw ang daan.
"Why all of a sudden?"
"I just want to know. Habang tinititigan kita ay mas lalong nagiging malinaw sa akin kung gaano ka ka-perpekto. Maraming nababaliw sa iyo kung sakaling pagtutuunan mo lang sila ng pansin. But I couldn't understand why are you still here and choosing someone like me."
He licked his lower lip. "Kung sa paningin mo'y perpekto ako, isipin mo kung ano ka pa sa paningin ko, Lexi."
He sighed as he grabbed my hand. Nahihiya pa ako dahil medyo namamawis iyon.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Kung tutuusin ay hindi niya nasagot ang tanong ko pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay sapat na sapat na ang sinagot niya.
Pagtapos ng pag-uusap na iyon ay natahimik na kaming parehas. We were just enjoying the peace that we've been craving for the whole time. This kind of serenity is the one that I absolutely needed and here's Kit, giving it to me effortlessly.
Halos mapanganga ako nang huminto ang kanyang sasakyan sa harap ng dalampasigan. 10 AM narin kaya medyo masakit na sa mata ang tirik ng araw.
"Nasaan tayo?" Tanong ko nang huminto na ang kanyang sasakyan.
"La Constancia."
"Alam kong nasa La Constancia tayo pero saan banda?"
Kahit kasi laki ako sa lugar ng La Constancia ay may mga iilang lugar paring hindi pamilyar sa akin. Alam kong nasa La Constancia kami kanina base narin sa daanang tinahak namin pero nang hindi na maging pamilyar ay akala ko dinala na niya ako sa ibang lugar.
"Solidad." Sagot niya nang tuluyan na kaming makababa sa sasakyan.
Kung tama ang pagkakatanda ko ay Solidad ang pinakadulong bayan ng La Constancia. Naaalala kong sikat ang Solidad ngunit hindi ko matandaan kung nakapunta na ba ako rito noon.
"Pipito lamang ang bayan sa La Constancia pero hindi ka parin pamilyar sa lugar na ito?" May bahid ng pang-aasar ang kanyang boses. Naglalakad na ito papalayo sa akin.
"Tanging Valencia, Olivarez at Alfonso lang ang natatandaan ko madalas." Nakangusong ani ko saka ako sumunod sakanya.
Nakasabit sa kanyang balikat ang kanyang itim na duffel bag habang nakasabit naman sa kanyang kabila ang Tote bag ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi