Chapter Twenty Six

268 7 0
                                    

Chapter Twenty Six

"Nako, sir. Buti naman po pumayag kayong sumama rito." Plastic na sabi ni Haley saka malaking ngumiti.

"Oo nga po, sir. Hindi po kasi ito 'yung mga pangkaraniwang party ng mga mayayaman. Buti po sumama kayo." Isa pa itong si Mona.

"So, sinasabi mo bang mahirap kami, Mona?" Taas kilay na tanong ni Haley kay Mona saka mapagbirong hinigit ang buhok nito. Ngunit hindi siya pinansin ni Mona at nagtuloy lang sa pagsasalita.

"Pero masaya naman kasi talaga, sir. Bakit may videoke at pukpok palayok po ba kayo?"

"Pukpok palayok?" Natatawa kong tanong saka bumaling kay Haley.

"Huwag mo sabihing nagpukpok palayok kayo rito kanina?"

Ang weird lang na celebbration party ng isang RN ay may mga palaro pa. Pero syempre, pamilya ni Haley ito kaya malamang hindi rin malayong mangyari iyon.

Nalukot naman ang mukha ni Haley saka tinulak si Mona.

"Tangina mo! Anong pukpok palayok? Gago ka ba, ha?!"

Masama namang tumingin sakanya si Mona. "Gago ka rin ba, ha? Ito pa lang ba napuntahan kong party? Nagtatanong ako in general!"

Lumingon ako kay Kit nang marinig ko ang mahihinang tawa niya. "I actually experienced both."

Napanganga naman si Mona dahil doon. Gulat na gulat sa tinuran ni Kit.

Tanginang mukha 'yan!

"Wow! Eh, agawan buko, sir?"

"Hmm, yeah." Sagot ni Kit.

Siniko naman ni Mona si Haley. "Ay gago, bhie. Lugi tayo dun, ah! Mayayaman na naglalaro pa agawan buko." Rinig kong bulong ni kay Haley.

"Eh habulan biik, sir?" Si Haley naman ang nagtanong.

"Tangina, ano 'yan piyesta? Bobo mo naman magtanong!"

Malakas akong napahalakhak.

"Lumayas na nga kayo dyan." Hawi ko sakanila. Napangiwi sila dahil doon.

"Ay putangina mare, hinahawi-hawi nalang tayo ng bruha!" Si Haley iyon. Napairap ako sa isipan. Gaga talaga!

Umupo kami ni Kit sa monoblock na nandoon. Naramdaman ko agad ang braso ni Kit sa sandalan ng upuan ko.

"Nagugutom ka na?" Tanong ko. "Kuhanan kita pagkain."

Umiling siya. Tumango nalang ako saka nakipagusap sa mga kaibigan ko na hindi ko mawari kung lasing na ba dahil ang iingay na masyado!

"Tangina! Si Ramon nga bigla-bigla nalang lagi nawawala sa bar tapos pagbalik pawis na pawis, eh!" Tawa ni Anthony.

"Gago, hindi!"

"Gago! hindi daw! Hindi ka nagkakamali!" Napailing ako nang mangibabaw nanaman ang tawa ni Haley!

Sa lahat ata ng tawa na narinig ko, tawa ni Haley ang pina-eskandalosa.

"Haley, nasaan si Lexi?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng mama ni Haley.

"Mama, bakit ka ba sumisigaw? Akala mo naman napakalayo ko, eh!" Reklamo ng kaibigan ko.

"Tita!" Tawag ko sa papalapit na babaeng nasa mid 40's na nakasuot ng bestidang kulay ginto.

"Ang ganda naman ng suot niyo, ta!" Puri ko sakanya. Ngunit hindi pa nakakasagot si tita sa pinuri ko ay umentrada nanaman si Haley.

"Oo, mukha siyang limang piso!"

"Ikaw ngang bata ka, kung wala kang matinong sasabihin, tahiin mo 'yang bunganga mo." Umirap ito sa anak saka nakangiting bumaling sa 'kin.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon