Chapter Fourteen
"Kumain ka na ba?" His voice was hoarse, tiredness was also evident in his voice.
"Yes, tapos na." Sagot ko. In my peripheral view, I saw him nodded his head.
"That's good."
"T-tapos na ba 'yung mga inaasikaso mo sa Batangas?" I tried to open up a topic because seriously, being with him inside his car is fucking awkward, so might as well, pag-usapan nalang namin ang trabaho!
"Hindi pa. Maraming nagsasampa ng kaso sa kompanya namin pati narin sa mga engineers na in-charge sa construction. Marami ang mga nasugatan at nasa malalang kalagayan kaya kailangan namin silang pagtuunan ng pansin. Kaninang umaga sinubukan ko nang ayusin ang mga dapat kong ayusin para makabalik na 'ko rito sa Manila."
Napabuga ako nang malalim na hininga dahil sa sinabi niya. Panigurado akong hindi madali ayusin ang ganito kalaking gusot idagdag pa itong kompanya ng tito niya na umaasa rin sakanya dahil literal na missing-in-action na si Sir Apollo.
I saw him yawned kaya parang naawa naman ako sakanya.
"Sana nagpahinga ka nalang muna roon, mukhang pagod na pagod ka. " That supposed to be in my head only but I just blurted that out loud. Saglit siyang lumingon sa 'kin. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi.
"No, I prefer being tired beside you..." Tingnan mo ito, pagod na nga puro landi parin iniisip!
Tumingin ako muli sa labas. "Saan ba tayo pupunta?"
He shrugged his shoulders and puckered his lips, stopping himself to yawn. "I don't know."
Halos lumagutok ang leeg ko sa biglaang paglingon sakanya.
"Hinatak-hatak mo ako rito tapos wala naman pala tayong pupuntahan? Naiwan ko pa iyong bag ko sa office!"
Ang kaninang kumalma niyang awra ay bumalik ulit sa dati. Nagsalubong muli ang kanyang makapal na kilay kasabay nang pandidilim ng kanyang mga mata.
"Hah! So, sinasabi mo sa aking sana hinayaan nalang kita roon sa opisina noong gagong iyon?" He scoffed at me saka humigpit ang kapit sa steering wheel.
"He has a name, Kit!"
Hindi makapaniwalang bumaling siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na pinagtatanggol ko pa si Primo sakanya ngayon.
Hindi ako nagpa-apekto sakanya, masama rin ang tingin ko sakanya ngayon kasabay nang pagtaas ng kilay ko sakanya. Bumuntong hininga siya muli saka sandaling pumikit, pagdilat ng kanyang mata ay wala na ang inis doon. I rolled my eyes at him. Ilang sandali ay napapansin kong paikot-ikot nalang kami.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko nang mapansing nadaanan na namin kanina ang dinadaanan namin ngayon.
"I have no idea, You wanna go somewhere else?" Sabi niya saka kinagat ang ibabang labi niya para sana pigilan ang kanyang hikab ngunit hindi siya nagtagumpay at humikab ulit.
"Kumain ka na ba?" Umiling siya sa 'kin.
"What?! Maga-alas dos na!" Sinulyapan ko ang wrist watch ko at tama nga. Inayos ko iyon saka bumaling sakanya. He licked his lower lip.
"I know, I also have a watch, Lex!" He even lift his right arm, flexing his gold digital watch. Umirap ako sakanya.
"Kanina pa tayo nandito sa daan, nagsasayang ng gasolina, bakit hindi mo man lang sinabi na hindi ka pa kumakain?"
Nagkibit balikat siya saka kumamot sa ilong niya. "Sabi mo kumain ka na, baka ayaw mo naman ako samahan kumain kaya dito na lang tayo sa daan."
I scoffed at him. "Hindi ako ganoon kasama, Kit! Iliko mo diyan sa kaliwa dumaan tayo ng grocery tapos sa condo ko nalang tayo kumain. Kaya mo pa bang maghintay?" Tanong ko habang kinakapa ang bulsa ng blusa ko, nakakita ako ng 500 pesos doon.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Ficción GeneralChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi