Chapter Five

597 50 1
                                    

Chapter Five

I am currently making a PowerPoint presentation when the intercom suddenly beeped. "Ms. Mariano, come here."

Napakamot ako sa ulo ko. Huwag niyang sabihing kailangan niya na 'tong presentation agad-agad? Twenty minutes pa lang noong binigay niya sakin 'to!

I inhaled a large amount of air. Three weeks na kong nagtatrabaho bilang secretary niya at tatlong linggo narin akong nas-stress.

Hindi na ko kumatok at dumiretso na nang pasok sa opisina niya. Agad sumalubong sakin ang amoy niya na kumakalat sa buong kwarto. Gabundok din ang mga papel na nasa table niya na hindi na bago para sakin.

Mukhang hindi niya ko napansin kaya kinatok ko ang table niya. My breathing hitched when his gaze diverted to me. Why does he look so fucking good with his specs on? I mean, yes, he's already gorgeous, but his specs can even make it to the next level! Imagine having that kind of visual?

"Ilan pa mga appointments ko ngayong araw?" Pansin kong namumutla ang kanyang mukha. Napansin ko rin ang maliliit na butil ng pawis sa kanyang noo. Kaya imbes na sagutin siya ay tanong din ang ibinato ko sakanya.

"Naiinitan ka ba? Gusto mo lakasan ko 'yung aircon?" He leaned his back on his swivelling chair and remove his specs. He massage his nose bridge and close his eyes, halatang pagod na.

"No, I'm fine. May appointments pa ba 'ko?" Muling tanong niya. His voice a bit hoarse and sounds so tired.

"Isa nalang, sir. Lunch meeting. 10 minutes from now to be exact." Ito rin kasing si Mr. Legaspi sinulit din talaga 'yung bakasyon niya, eh. Ang daming iniwang trabaho.

"Alright, sasama ka sa'kin." Aniya.

"Water?" I asked instead of answering. Bahagya naman siyang tumango.

"Please?"

Lumabas ako at nagpunta ng pantry para kumuha ng tubig dahil wala ng tubig sa opisina niya. Habang naglalagay ng tubig ay tumawag ako sa Cafeteria para ipaalam na wala ng tubig sa opisina ng boss namin.

"Here, sir."

"Thank you. Alis na tayo." Aniya bago mabilis na ininom 'yung tubig na binigay ko. Tamo uhaw na uhaw naman pala. Kaya siguro namumutla siya, nadedehydrate na pala. Lumabas muna ako sa opisina niya para mag-ayos ng gamit at sarili.

Pagkalabas niya sa opisina ay pumasok agad kami sa elevator papuntang parking lot. Chineck ko ang sarili ko saglit sa salamin ng pinto ng elevator dahil nakakahiya naman sa mga ka-meeting niya. I am wearing my Beige wrap blouse and black wrap pants. I paired it with my white d'Orsay sandals ang black Chanel handbag.

Paglabas sa elevator ay sinuot ko na ang aking wayfarer ganon din si Kit na sinuot ang kanyang brown na aviator sunglasses. I searched for my keyfob in my bag.

Napatingin ako kay Kit nang magsalita siya. "Don't bring your car. Ihahatid nalang ulit kita rito."

"Okay, sir." Nakasunod lang ako sakanya dahil hindi ko alam kung alin sa mga kotse dito ang kanya. Iniisip ko nga ay 'yung pinakamahal pero lahat naman ng kotse na narito ay nagsusumigaw ng 'Malaki sahod ng may-ari sakin'

Nabaling ang tingin ko sa kaliwa nang tumunog ang itim na Ferrari. Dumiretso sa driver's seat si Kit kaya dumiretso rin ako sa shotgun seat.

"Sexy mo naman, Ferrari."

Nang makapasok kaming dalawa ay sinalubong agad ako ng kanyang amoy pero kumpara sa opisina niya ay mas matapang ang amoy dito pero hindi masakit sa ilong. Yung saktong amoy niya talaga ganon. Inikot ko ang tingin ko sa kotse niya. Ngunit muntik ko nang makalimutan huminga nang lumapit siya sakin saka inabot ang seatbelt.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon