Chapter Twenty Seven

266 7 0
                                    

Chapter Twenty Seven

The days passed by so quickly. Ilang linggo narin nakalipas simula nang makabalik ako sa department ko dahil bumalik narin si Mr. Apollo sa pamumuno ng kompanya. Si Kit naman ay bumalik narin sa pamumuno ng sariling kompanya. Ngunit hindi rin naman naging hadlang iyon sa pagkikita namin. Gabi-gabi niya akong sinusundo galing sa trabaho. Madalas ay sa condo ko na siya nagpapalipas ng gabi ngunit minsa'y umuuwi pa siya dahil narin sa mga bagay na kailangan jiyang gawin o tapusin.

"Bakit naman kasi biglaan ata itong paglipat niyo, Ate?" Hirap kong sabi habang binubuhat ang isa sa mga box na puno ng gamit nila Ate Allanis.

"Hindi mo man lang hinintay makauwi si Harry nang hindi tayo nahihirapan nang sobra rito."

Narinig ko ang buntong hininga niya. Kasalukuyan niya nang binubuhat ang panghuling box.

"Aabutin pa kasi nang ilang araw si Harry sa California kaya napagpasyahan kong tayo-tayo nalang tutal kaya naman din natin ito."

"Eh bakit nga masyado atang biglaan? Parang noong isang linggo, eh enjoy na enjoy pa natin swimming pool niyo dun sa dati niyong bahay tapos ngayon ito na bago na ulit bahay niyo?"

Marahas kong pinunasan ng bimpo ang aking pawis na noo saka pabagsak na umupo sa sofa nila. Si ate naman ay nagpunta sa dining para kumuha ng juice para sa 'ming dalawa.

Inangat ko ang aking isang binti sa upuan bago patagilid na lumingon sakanya.

"Umamin ka. May tinataguan ka, ano?" I tried teasing her, but I almost jumped out of my seat when the glass suddenly  slipped off her hand that cause for it to break.

Mabilis akong napatayo at lumapit sakanya ngunit pinigilan niya ako.

"Huwag ka nang lumapit. Diyan ka lang, baka mabubog ka." Aniya saka dahan-dahan na umalis sa kanyang kinatatayuan.

"Ayos ka lang, Ate?" I asked, worrying about her.

Tumango siya sa 'kin, "Yeah. Madulas lang iyong baso, hindi ko ata nahugasan nang maayos." Pagdadahilan niya.

Tumango nalang din ako pabalik bilang sagot. Ngunit hindi ako tanga. Alam kong may mali. Nakita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mga mata niya kanina. Ngunit hindi ko alam kung bakit at para saan.

Kahit na ayaw niya ay tinulungan ko parin siya sa paglilinis ng mga bubog na nagkalat. Sinigurado naming walang matitirang kahit isa dahil delikado kung si Margarette ang makatapak nito.

"Wow, mommy. Ang beautiful naman po ng new house natin." Naaaliw na hiyaw ni Aleia pagpasok na pagpasok namin ng bahay. Umiikot-ikot pa siya habang nakatingin sa kisame na mayroong simpleng chandelier.

Kumpara sa dati nilang bahay ay mas maliit ito ngunit mas moderno ang disenyo. One storey house with three bedrooms, two bathrooms, one dining, one kitchen, one living room, and garage. Pinaghalong champagne at rusty brown ang kulay nito sa labas. May mga halaman pang nakatanim sa maliit na garden. Sa loob naman ay may pallete na white, cream, at brown. All in all, it's such a nice house after all.

"Nagustuhan mo ba new house niyo kahit hindi na kasing laki ng dati niyong bahay?" Tanong ko habang hila-hila ang kanyang 6-wheels na bag. Ako ang nagsundo sakanya sa school dahil busy si Ate sa pag-aayos dito.

"I still love our old house, Tita. But this house is also beautiful din po." Napangiti ako nang ipakita nanaman niya sa akin ang nangingiti niyang mga mata.

"Leia, Lexi, kumain na rito!" Sigaw ni ate mula sa dining.

Buong pananghalian ay nagkukwento lang si Aleia ng mga nangyari sakanya ngayong araw. And her day is kind of eventful for a grade schooler though.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon