"Anak! Bilisan mo mag bihis at baka ma late kana!" sigaw ni mama mula sa kusina pagkalabas na pagkalabas ko mula sa banyo, kakatapos ko lang kasi maligo kaya kailangan ko na magbihis sa aking kwarto hihi.
Excited naman akong pumasok sa aking kwarto dahil alam kong naghihintay silang pito para sa muling pagbabalik ko sa loob ng kwarto YIEEEEE kinikilig ako whahahaha.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nakita ko silang pito na nakangiti habang nakatitig sakin! Ang popogi talaga nilang lahat nakaka inlove! Whahaha ay oo nga pala kailangan ko nang magbihis at baka ma late pako.
Unti Unti kong hinubad ang twalya na nakapalibot sa aking harapan sa tapat ng nag gagwapuhang nilalang na ito, hindi ako malandi ah! Sanay na rin naman akong naghuhubad sa harap nila dahil araw araw ko rin naman itong ginagawa at araw araw Gabi Gabi din sila dito sa kwarto ko mwhehehehe.
Nag simula na ako magbihis sa harap nila at nakangiti pa rin silang lahat sakin Kaya Di ko na napigilan na paghahalikan silang lahat! Hihi---------- naputol ang aking paghalik ng biglang sumigaw si mama habang kumakatok sa Pinto ng kwarto ko
"Ano ba! Eirelav! Dalian mo na nga male late ka na, Alam ko na yang ginagawa mo nanaman! Tigil tigilan mo nga iyang kakahalik sa poster ng BTS diyan sa kwarto mo! Jusko pong Bata ito, ano ipapadala naba kita sa mental hospital?! Sabihin mo lang at tatawagan ko sila para masundo ka na nila!!" mahabang at mabilis na pag rarap ni mama na mana yata sa isang asawa kong si suga hays
Ano ba Yan! Si mama naman eh! Nasira tuloy ang pakikipag loving loving ko huhuhu! Makapagbihis na nga at baka ma late pako! Humanda kang poster ka pag uwi ko! Mag loloving tayo mamaya! BWHAHAHAHHA!
-----------+++++++++
@EirelavYu