Story#38

0 0 0
                                    

"Hey Eirelav! Busy ka na naman, oh!" si Ken pala, best friend ko at crush ko din hihi~

Ngumiti ako at tinanggap ang chocolate na ibinigay niya, "Wow! Toblerone! Awiee salamat Ken! Ang sweet sweet mo talaga~"

"Walang ano man, basta para saiyo Eirelav," Niyakap ako ni Ken, jusko dai! Pa fall ka ha whahaha kinikilig akoOoo~
----------
"Oh Eirelav! Pawis na pawis ka, halika nga dito!" Nagulat ako noong biglang lumapit sa akin si Ken at pinunasan ang pawis ako, pa fall ka talaga!

"Oi Ken! Ang sweet mo ha whahaha, salamat sa pag punas hehe~" nahihiyang sabi ko.

"Oh eto kainina mo," napangiti ako ng makita ang inabot niya sa akin.

"Wow Toblerone! Salamat talaga Ken!" tuwang tuwang sabi ko, hindi na ako nagulat noong bigla niya akong yakapin hobby na niya ata iyan eh.
---------
"Tara Eirelav! Sabay na tayo umuwi, hatid na kita" Nako talaga ito si Ken may lahing kabute sulpot ng sulpot!

"Ah sige tara hehe,"

"Oh ito baka nagugutom ka," nakangiting sabi niya sa akin at may inabot.

"Wow! Toblerone! Salamat keeeen!"

Napangiti ako habang inaalala ang mga memories namin ng best friend slash crush ko na si Ken.

"Hays! Ang sweet sweet niya talaga!" nakangiting sabi ko pero nawala ang ngiti ko noong may maalala ako.

"Sana sweet ka pa rin hanggang ngayon," nanlulumong sabi ko.

Simula noong magkaroon siya ng girlfriend ay parang nakalimutan na niya ako, hindi na kami nagkakausap, hindi na rin siya sweet at wala nang Toblerone hays pero sino ba naman ako para mag reklamo diba? Best friend niya lang ako at Girlfriend niya iyon kaya ma's focus siya doon.

"Sabi nga nila 'When someone is sweet to you, don't expect that person will be like that all the time. Remember even the sweetest chocolate expires.' Hays" mahinang sabi ko, malungkot akong napangiti at napatulala na lang sa kawalan.
----------+++++++++
@EirelavYumention a user

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon