Story#7

3 0 0
                                    

Nandirito ako ngayon sa aking kwarto.

Kausap ko ang aking asawa, nag uusap kami ng masinsinan.

Ang kaso ay ako lang ang nagsasalita, nakatitig lang siya saakin. Talaga namang napipikon na ako.

"HOY! Diba sinabi ko mag usap tayo ha mister ko? Bakit puro ako lang ang nagsasalita ha? Nakaka inis ka na ha." nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

At tignan mo nga naman, pacute pa. Pangiti-ngiti ka pa diyan ha! Ayaw mo ako kausapin, nag tatampo na talaga ako!!

"Alam ko naman na maganda ako mister ko pero... pero pwede ba mag salita ka naman? Hindi iyong palagi ka na lang nakatitig sa akin habang naka-ngiti, para kang abnormal sa totoo lang!" talagang hindi pa rin siya nagsasalita, matigas ka ha!

"HOY MISTER KO! ANO BA SINABI NANG MAG USAP TAYO NG MASINSINAN EH! HINDI KA MAG SASALITA? KAPAG HINDI KA PA NAG SALITA GAGAHASAIN TALAGA KITA, MAKIKITA MO!!!!" pasigaw na sabi ko.

"MAMAAAA OHHHH SI ATEEEE NABABALIW NA NAMAN! KINAKAUSAP NA NAMAN NIYA IYONG POSTER SA KWARTO NIYA MA! IPASUNDO MO NA NGA ITO SA MENTAL HOSPITAL MA!" biglang sumigaw ang kapatid ko.

tsk panira naman itong hatdog na ito! Nag momoment kami dito ng asawa ko eh nanggugulo! Tsk!
------------++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon