Story#31

0 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa aking kwarto kasama ang boyfriend ko.

"Grabe ang gwapo gwapo mo talaga! Tall! Blonde! And gorgeous! Oha san ka pa!" natutuwang sabi ko habang nakatitig sa boyfriend ko.

"Grabe! Ang sarap mo talaga ugh!" Sinimulan ko na siyang kainin, grabe ang sarap hihihi!

"Ughh hmm sarap!"

"Ang sarap mo talaga!"

"Potek Ughh hmm~"

Ang sarap sarap talaga nitong boyfriend ko! Nako hindi talaga ako magsasawa sayo-----

*BOGGGGGSSSSSSSHHHH*

"HOY EIRELAV! ANO IYONG NARIRINIG KONG KALASWAAN DITO MULA DITO SA KWARTO MO HA?! MAY PA UNGOL UNGOL KA PA! ASAN ANG KALANDIAN MO! ILABAS MO MALANDI KANG BATA KA!!" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang galit na galit na si mama, bigla akong kinabahan.

"Uhmm m-ma.."

"ILABAS MO ANG LALAKI MO!"

Hays mukhang wala na akong magagawa, nahuli na ako ni mama. Unti unti kong nilabas ang boyfriend ko.

"Ma...meet my boyfriend si French," mahinang sabi ko kay mama.

*BOOOOGGGGSSSSSSHHH*

"Aray naman mama! Bakit ba bigla bigla ka na lang nambabatok ha!" Ang brutal ni mama huhuhu!

"IKAW NA BATA KA! ANG LANDI LANDI MO! KAKAIN KA NA NGA LANG NG FRENCH FRIES MAY PA UNGOL UNGOL KA PANG NALALAMAN ANG LASWA PAKINGGAN!! BILISAN MO KUMAIN DIYAN AT MAG HUGAS KA NA NG PINGGAN HINDI IYONG PURO KA KALOKOHAN!!" sigaw ni mama at lumabas na ng aking kwarto.

Napakamot ako sa ulo, ang sarap kasi ng boyfriend kong si French, si French Fries eh mapapaungol ka talaga sa sarap huhu! Bakit hindi mo na lang ako suportahaaan maaaa!
-----------++++++++
@EirelavYumention a user

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon