"Good morning class." oh si sir, bakit ang aga naman dumating ni sir? Break time pa eh!
"GooOoooodddd mooOooorninggg Sirrr KeEeeeen!" bati namin pabalik.
"Okay class take your seats, sige kumain muna kayo break time pa naman." Ang gwapo gwapo talaga ni Sir Ken kaso medyo masungit hehehe!
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming classroom at nakita ko si BenTen, si BenTen ang crush ko hehehe~
Napangisi ako ng may maisip akong kalokohan.
"Pst BenTen!" tawag ko sakaniya, lumingon siya sa akin kaya ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya.
"Barya ka ba? Kasi umaga pa lang kailangan na kita! Boom whahaha!" napangiwi si BenTen, nagsigawan naman ang iba kong mga kaklase at tinutukso kami sa isa't isa. Naisipan kong bumanat muli.
"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita!"
"TEA ka ba? Kasi TEAnamaan ako sayo!"
"CEMENTO ka ba? KaCEAMENTO be kita!"
"Kanal ka ba? Kasi sayo ako nahulog-------" naputol ang aking banat ng biglang galit na sumigaw si Sir Ken.
"ENOUGH! GRADE 2-MANGGA GET 1/4 SHEET OF PAPER MAY QUIZ TAYO DAHIL SA KALANDIAN NINYO!" sigaw ni Sir Ken, napakamot ako sa ulo sir naman eh!
Isang oras na ang nakalipas at tapos na ang klase pero bigla kami ni BenTen pinaiwan ni Sir Ken.
"Ms. Eirelav!" tawag niya sa akin.
"Wala kang karapatang lumandi sa harap ko! Lalo na kung si BenTen ang lalandiin mo! Nagseselos ako!" sigaw niya pa, bigla akong namula sa kilig.
"Talaga sir? Nagseselos ka?" kinikilig na sabi ko, MOM! I'M GONNA GET MARRIED--------
"Oo nagseselos ako dahil sa akin lang si BenTen! Maghanap ka ng bebe mo! Hmp!" napatulala ako bigla.
-------------+++++++++
@EirelavYu