Story#18

1 0 0
                                    

'MANOK'

Hays antagal naman mag dismiss ni sir kanina pa recess eh huhu gutom na gutom na talaga ako parang ang sarap tuloy kumain ng MANOK! Hmm manok manok manok~

"MS. EIRELAV YU ! ARE YOU LISTENING?! KANINA PA KITA TINATAWAG PERO TULALA KA LANG JAN HABANG NAGLALAWAY! MAY TUMUTULONG LAWAY JAN SA BIBIG MO OH! ALAM KONG GWAPO AKO PERO HINDI MO KAILANGAN MAG LAWAY!" pasigaw na Sabi ni Sir Ken kaya nagulat ako!

"AY MANOK! ay sorry sir hehe." hinging paumanhin ko huhu ano ba naman kasi yan nanggugulat eh nasabi ko tuloy yung MANOK!

"Hmm mukang gutom ka na ah at gusto mo ng kumain ng manok. Tutal malapit na ang break time palalabasin ko kayo pag sinabi mo kung anong parte ng manok ang nababagay sakin, siguraduhin mong matutuwa ako sa isasagot mo. " ngingisi ngising sabi ni sir Ken. Tsk kanina pa nga break time pero ayaw umalis eh! Hays.

Napangisi ako ng may pumasok na napakagandang ideya at napakagandang sagot sa sinasabi ni sir Ken! Ngumiti ako ng pagkatamis tamis atsaka sumagot.

" Nako sir! Hmm parte ng manok ba? Dapat yung malapit lang sayo sa muka mo hmm ano ba? Ay Alam ko na sir!" pabitin na sabi ko sabay ngisi

"Ano?" sabi ni sir na napapangiti

"PWET sir! PWET ng MANOK! Kamuka mo naman eh hehe~ (^-^)" biglang nagtawanan ng malakas ang mga kaklase ko habang si sir Ken ay namumula saan? Sa kilig? Ay hindi! Sa galit nako po! I'm doomed.

So ayon na nga, nandito ako sa guidance room ngayon! Pesteng manok kase yan! Pahamak huhu! Ayoko na ng MANOK! Sa Itlog na lang ako huhu mamatay na Sana lahat ng manok (ㅠ0ㅠ).
--------+++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon