Story#41

0 0 0
                                    

Nandito ako sa kwarto ko mag isa, alas tres na pero gising pa rin ako.

Hindi ako makatulog, nag online muna ako pampalipas oras.

Sa aking pa scroll scroll may nakita akong isang thread entitled "3 A.M. DEVIL'S HOUR" binasa ko ito.

Ang kwento ay tungkol sa isang lalaki na may nakasabay sumakay na isang babaeng maputla at palaging nakangiti sa tricycle noong alas tres ng madaling araw.

Nakatitig lang ang babae sakaniya habang nakangiti sa buong byahe at bumaba ito malapit sa bahay ng lalaki.

Pagkarating ng lalaki sa bahay niya ay bigla siyang nanlamig at kinilabutan sa hindi malamang dahilan.

Pumasok na siya sa bahay at nakasalubong niya ang mama niya na tumigil sa paglalakad at tinitigan lang siya ng nakangiti.

"Ang weird mo ma," sabi niya at dumiretso na sa kwarto niya, biglang tumunog ang cellphone niya indikasyon na may nag text.

'Anak, hindi ako makakauwi ngayon dahil nandito ako sa bahay ng kumare ko kanina pang umaga. Ikaw lang ang mag isa diyan pero huwag ka mag alala dahil nag iwan naman ako ng makakain mo diyan. Sige bye anak.' napakunot ang noo niya ng mabasa ang text, tinignan niya ang pangalan ng nag text at kinilabutan siya dahil nakita niyang ang mama niya iyon.

"Paanong? Edi sino ang ngumiti sa akin kanina?" nagtatakang tanong niya sa sarili, may biglang kumalabit sakaniya at paglingon niya ay nakita niya ang babaeng nakasabay niya sa tricycle kanina na ngayon ay duguan na. The end.

Grabe naman itong kwentong ito nakakakilabot alas tres pa man din ngayon! Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng aking kwarto dahil baka may babaeng nakangiti din sa akin.

"WAHHHH MAMA!" napasigaw ako, may kumalabit sa akin! Unti unti akong lumingon at bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha.

"SINO KA?!" nanginginig na sigaw ko, mas lalong lumaki ang ngiti niya kaya mas lalo akong nanginig dahil sa takot.

"Eirelav ano ka ba? Hindi mo ba ako naaalala? Ako ito si natoy mahal na mahal ka." napatulala ako, natoy? Shit!
---------++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon