Woah! April 1 na pala! Whahaha Happy April fools!
Ako ay nag cecellphone ngayon dito sa loob ng aking kwarto, tamang scroll scroll lang nakakaboring na!
Ayon! Aamin tayo ngayon kay crush! Tapos kapag na reject sabihin natin 'Happy April fools' mwhehehe~
Me: Hi Ken!
Ken: Oh? Napachat ka?
Me: Ahm Ken...may aaminin sana ako..
Ken: Hmm ano iyon?
Me: Crush kita Ken!
Ken: Sorry hindi kita crush.
Me: Charot whahaha Happy April fools! Bleh!Grabe...masakit pala sa heart mag prank ano? Ayoko na! Ayoko nang mag online pa huhuhu! Sino ba kasi ang nagpauso ng prank prank na iyan sabihin nyo at babalian ko ng buto!
Dahil ako'y nasaktan ay napagpasiyahan ko na mag offline muna para makapag nilay nilay.
Ilang minuto ang nakalipas ay nag online akong muli dahil hindi ko na matiis ang boredom kahit masakit pa ang puso ko. Nagulat ako noong biglang tumunog ang messenger ko.
*Ting*
May nag chat saglit...ay si Ken!
Ken: Happy April fools din!
Ken: Crush din kita, matagal na sa totoo lang pero hindi ko maamin-amin sayo kasi natotorpe ako."WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Crush din ako ng crush ko! Sino nga ulit nag imbento ng prank? Sabihin ninyo at papaloadan ko! Whahaha Ohmygawt Mom I'm goona get marrie---------
"HOY EIRELAV GUMISING KA NA DIYAN TANGHALI NA ABA! BANGON BANGON DIN!" Napabalikwas ako ng upo
"Panaginip lang pala hays," ano ba iyan! Akala ko crush na din ako ng crush ko eh! Happy ending na naging bato pa!
--------+++++++
@EirelavYumention a user