Story#47

0 0 0
                                    

"Ken mag promise tayo sa isa't isa! Mag promise tayo na kapag wala pa tayong boyfriend/girlfriend sa future, tayong dalawa ang magpapakasal! Ayos ba?" nakangiting sabi ko kay Ken, best friend ko.

"Sige sige Eirelav! I promise!" pag sang ayon ni Ken, nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at.....

*Mwuah!*

He kissed me! Ang first kiss ko!

"To seal our promise I kissed you," nakangiting sabi ni Ken habang ako naman ay natulala sa kaniya.

*YEARS LATER*

I'm Eirelav I became an overthingker, masyado akong nag ooverthink sa mga bagay bagay, palagi ko naiisip na walang nagmamahal sa akin, wala akong kwenta, lagi ko naiisip na nag iisa lang ako, I'm a suicidal person.

Hindi lang iilang beses akong nag try mag suicide pero laging napipigilan ni Ken kaya hindi natutuloy.

"Eirelav, lagi mong tatandaan hindi solusyon ang pagpapakamatay nandito lang ako." lagi niyang sinasabi.

And here I am standing at the edge of the rooftop ready to jump ng dumating na naman si Ken! Hays!

"Eirelav! Itigil mo nga iyan!" sigaw ni Ken at hinablot ang braso ko.

"Bitawan mo ako Ken! Bitawan mo ako ayaw ko na! Ayaw ko na!" lumuluhang sigaw ko.

"No Eirelav! No! May promise tayo Diba? Diba? Papakasalan pa kita! No! Kaya tigilan mo iyan!" sigaw niya na nakapagpatulala sa akin.

"No Ken! Mga bata pa tayo noon! I was just joking around, hindi ako seryoso tungkol doon!"

"Hindi Eirelav. Nag promise tayo! We sealed that with a kiss remember?Mahal kita Eirelav,"

"No. Hindi ako seryoso doon! Hindi! Hindi! Hindi!"

Bakit ba hindi niya maintindihan na nakikipaglokohan lang ako sakaniya noong mga bata pa kami? Ang kulit kulit! Umalis ako, iniwan ko siya sa rooftop. Tumakbo ako palabas, tumakbo ako ng tumakbo dahil alam ko na nakasunod siya sa akin.

*BEEEEEEEPPPPPP BEEEEEEPPPPPP*

Tumingin ako sa unahan at napangiti, may truck na sasalubong sa akin. Ito na Eirelav, mamamatay ka na ito ang gusto mo diba?

"EIRELAV!" naramdaman ko ang mga braso ni Ken na nakapulupot sa aking katawan at ilang sandali lang ang naramdaman ko rin na tumama ang aming katawan sa truck. Unti unti akong nilamon ng kadiliman.

Nagising ako at nakita ko ang puting kisame, mukhang wala pa ako sa langit.

"Eirelav! Eirelav anak! Anak ko anong nangyari sayo? Nabalitaan ko na ilang beses mo sinubukan magpakamatay at muntik na mangyari iyon kanina! Ano ka ba naman anak ko! Mag sabi ka sa akin may problema ka ba ha? Hindi ka nagiisa anak nandito ako mahal na mahal kita," napaluha ako sa sinabi ni Mama, napagtanto ko na nandito nga pala si mama, hindi ako nagiisa, masyado akong nag ooverthink. Ito na ang ikalawa kong buhay, salamat kay Ken at lagi niya akong pinipigilan-------

"Teka Ma, nasaan si Ken? Ayos lang po ba siya?" grabe ngayon ko lang din napagtanto na mahal ko si Ken! Asan na ba si Ken excited ko na siya makita. Napatitig ako sa ekspresyon ni mama, bakit ang lungkot ni mama? Bigla ako kinabahan.. No! Hindi pwede!

"A-anak...s-si K-ken..." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko, no! No! Hindi pwede ito! No! Buhay pa si Ken! Buhay pa si Ken! I wanted to die, He just wanted to love me pero...pero siya pa itong namatay! Siya pa itong iniwan ako! Napahagulgol na ako at tumakbo palabas ng aking kwarto, tinanggal ko ang dextrose kahit nanghihina pa ako.

Nagulat ako ng may mga lobong sumalubong sa akin pag labas ko, sinong may birthday? Napatitig ako sa lalaking nakaluhod na ngayon sa aking harapan...oh my..Ken is still alive! Binalot ng tuwa ang aking puso.

"Eirelav? Will you marry me?" nakangiting tanong niya.

"Yes Ken! Yes I will marry you! I love you!" nakangiting niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sige ipasok ninyo na iyan!" unti unting nawala ang aking ngiti, bakit napalitan itong lugar? Bakit puro puti? Napatitig ako sa mga lalaking biglang humawak sa akin.

"No! Don't touch me! Saan ninyo ako dadalhin? Whahaha! Huhuhu! S-saan? Saan!"

"Tumahimik ka! Baliw!"

"Hindi ako baliw! Whahaha saan ninyo dinala si Ken? Huhuhu saan! Hindu ako baliw!" sigaw ko, sinimulan na nila akong ipasok sa isang kwarto.

"Hay nako, kawawang babae naman ito. Ang balita ko ay nabangga daw ito ng truck eh at may kasamang lalaki? Kasintahan niya yata?Namatay daw iyong lalaki. Hay nako pag ibig talaga, maraming nababaliw dahil diyan eh, " narinig kong sabi ng isang bantay kanina.

Ako ba ang pinaguusapan nila? Si Ken? Anong patay? Hindi! Nag propose siya kanina lang! Whahaha oo kanina..lang?May pumatak na luha mula sa aking mga mata at napatitig sa kabuuan ng puting puting kwartong ito. Hindi ako... Baliw?
---------++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon