Story#3

9 1 0
                                    

I didn't really like my father.

Kahit kailan hindi ko siya naging inspirasyon.

Ever since he is a very hard working man, not like my classmate's parents.

Mahirap siya, kaya mahirap rin ako.

Marami siyang sideline, nakikita ko siyang nag aabot ng fliers, nag bibihis clown, nag kakargador at marami pang iba.

His famous line is...

"Being rich is not about how much you have its about how much you give."

May Isa kaming garapon dati at doon namin inilalagay ang 'tax' kuno namin.

Ipinangako ko na pag laki ko magiging mayaman ako, hindi katulad ng tatay ko.

Noong ako ay makagraduate ng college ay napagdesisyonan ko na umalis sa aming bahay upang makahanap ng ma's magandang trabaho sa ibang lugar.

"Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng pera anak." nakangiting sabi ni papa at iniabot sa akin ang isang sobre na may lamang pera.

Hindi ko ito tinanggap. Ibinalik ko ito sa kaniya at umalis nang walang sabi sabi.

Ilang taon ang nakalipas ay nakahanap na ako ng maayos na trabaho, stable na ang buhay ko.

*ring ring*

"Anak, sana pumunta ka sa dinner reunion natin sa pasko." si papa pala ang tumawag.

"Hindi ako makapupunta, pagkatapos na ng bagong taon ako uuwi." Hindi ko na siya hinintay magsalita at ibinaba ko na ang telepono.

Ilang taon na naman ang nakalipas, nandirito ako sa lumang bahay na tinitirahan namin dati ng aking tatay. Nabalitaan ko na namatay na siya.

May nakita akong isang maleta sa ilalim ng kaniyang kama, kinuha ko ito at tinignan.

"Thank you for donating." mahinang basa ko sa nakasulat sa papel? Donating?

Nagpunta ako sa lugar na nakasulat kung saan nag donate daw 'ako' pero hindi naman ako nagdodonate.

"Thanks for coming ma'am and thanks for your donations." nakangiting sabi ng isang babae sa aking hanapan.

"Hindi ako nag donate ng kahit ano, mukhang nagkakamali kayo." sabi ko.

"Ah ang tatay ninyo po ang nag donate, pero sa ilalim ng pangalan mo niya ipinalagay. Actually ayaw niya ipaalam saiyo ito ma'am pero sa tingin ko kailangan mo malaman." Nagulat ako sa aking narinig.

"Alam mo miss? Napakabait po ng tatay ninyo. Dati po ang mga bata dito ay walang kabuhay buhay pero nabibihis siya na parang clown palagi para pasiyahin at bigyan ng inspirasyon ang mga bata. Natulong din siya sa pag bibigay ng mga fliers para sa iba pang gusto na mag donate rito." nakangiting pagkukwento ng babae.

"Kahit matanda na po ang iyong tatay at pwede na mag retire ay pinili niya pa rin po na mag trabaho bilang kargador at kung ano ano pa para makatulong sa iba pang mga tao. Kahit may sakit na ang tatay mo hindi niya ito ipinaalam sa kahit sino." patuloy na kwento ng babae habang medyo naluluha na.

"Sige po ma'am, una na po ako."

Kaya pala... kaya pala sobrang hard working ni papa pero hindi kami yumayaman.

Dinodonate niya ito at... at kaya pala nagbibihis siya na parang clown para mapasiya ang mga bata... kaya pala...

Biglang tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata.

Ilang taon ang nakalipas at napagdesisyonan ko na tumulong na rin sa ibang tao katulad ng ginagawa ng aking ama.

At everytime na tumulong ako ay naririnig ko sa aking isipan ang kaniyang pambansang linya na...

"Being rich is not about how much you have its about how much you give."
--------+++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon