Story#25

0 0 0
                                    

*Ting*

Biglang tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko ito.

'Guys gala tayo ngayon, sa 7/11 meet up natin. Medyo gagabihin tayo ng uwi. Sumama kayong lahat okay'

Oh group chat pala namin, may gala daw.

Hay nako! Sigurado akong hindi na naman ako papayagan huhu!

Ah! *ting* may naisip akong isang bright idea para payagan ako! Sana naman gumana~

Dali dali akong lumabas ng kwarto at hinanap si mama para makapag paalam.

Nakita ko si mama na naka upo sa sofa habang nanonood ng TV, patakbong nilapitan ko siya.

"MAMAAAAAAAA!"

"oh bakit eirelav? May kailangan ka na naman bang bata ka ha?"

"MAMAAAAAAA! May project po kami ng mga kaklase ko at ang sabi po ay gabi daw kami uuwi hehe~" hindi tumitingin sa mata na sabi ko kay mama.

Hays ang hirap talaga mag sinungaling pero sana maniwala si mama! Hehe~

"Aba! Anong project project yan ha? Hindi pwede, dito ka lang sa bahay!"

"PEROOOO MA NAMAN! PARA PO ITO SA SCHOOOOOOOL!"

"Anak ng! Lintek kang bata ka aba tumigil tigil ka diyan! Baka nakakalimutan mo na kinder ka pa lang na bata ka ha?!"

Ay.... Oo nga pala hehe~

Mukhang hindi na naman ako makakasama sa gala huhuhu!
--------++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon