Story#32

0 0 0
                                    

Nag away kami ng boyfriend ko, bakit kami nag away?

Nakita ko lang naman siyang may kalandian sa cellphone niya kaya sinita ko

At talaga nga naman! Kung sino pa ang may kasalanan siya pa ang galit na galit! Ang kapal ng pagmumukha!

'Mahal mo naman'

Tse! Kaloka kang konsensya ka marupok ka din eh!

Hindi man lang ako pinapansin nitong boyfriend ko, ilang araw na siyang ganiyan! Paano niya ako natitiis eh siya nga hindi ko matiis!

"Anak! Bumili ka nga muna ng groceries at wala na tayong stock!"

"Sige po ma!" Tutal wala naman akong magawa ngayon at para matigil ang pag iisip ko sa boyfriend ko ay sinunod ko na lamang si mama.

Nakasakay ako sa tricycle ngayon papunta sa malapit na grocery store.

Nakatanaw ako sa labas as usual noong may mahagip ang mata ko.

"Si Ken ba iyon? Manong sa tabi na lang po!" Parang nakita ko si Ken doon eh pero may kasama siya, si Ken nga pala ang boyfriend ko.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Ken at ng kasama niya, oh! Si Val pala iyong kasama niya.

Naglalakad ako papalapit sakanila ng biglang hinalikan ni Ken si Val! Taksil! Taksil! Taksil!

Napatakbo ako papunta kay Ken at sinalubong siya ng sampal.

"TAKSIL KA! TAKSIL KA!" paulit ulit at gigil na saad ko.

"Ano ba Eirelav! Tama na! Tumigil ka na nakakasakit ka na ah!" sigaw sa akin ni Ken, aba't may gana pang manigaw ang loko! Paulit ulit ko siyang hinampas nanggigigil ako!

"Tama na sabi Eirelav! Mag break na tayo! Hindi na kita mahal! Ang panget mo!" sigaw ni Ken na nakapagpatigil sa akin, ni hindi man lamang siya takot na mawala ako. Wow just wow!

"S-sige! Break na tayo! I don't deserve you! *PAAAAAKKKKKK*" sigaw ko sa pagmumukha niya, binigyan ko siya ng isang solid na sampal at sabay umiiyak na tumakbo na paalis.

"I don't deserve someone like you Ken! I deserve someone who can't stay mad at me, someone who can't stand not talking to me, and someone who's afraid of losing me!" pinahid ko ang luha ko, kakarmahin ka rin Ken.
-----------+++++++
@EirelavYumention a user

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon