"Guys! Guys! Random questions tayo gusto nyo?" tanong ni Zithea, isa sa mga kaklase ko.
"Sige!"
"Sali ako!"
"Sasali lahat ha! Bawal KJ!"Napakamot ako sa ulo, pano ba iyan kailangan daw kasali lahat tss.
"Sige start tayo, ano ang pinakaayaw nyo sa isang tao?" panimula ni Zithea.
"Manggagamit!" sagot ni Kyler
"Backstabber!" sagot ni Kent
"Peke." sagot ni ValMarami pa silang sunod sunod na sumagot hanggang sa turn ko na.
"Sinungaling, ayaw ko sa mga sinungaling." malamig na sabi ko, natahimik silang lahat ng ilang saglit at nagpatuloy ulit.
Ilang saglit pa at nagpatuloy ang tanungan, may narinig akong isang kasinungalingan.
"Berde ang aking utak! Whahaha!" sabi ni Val.
Sumiklab ang galit sa aking mga mata *SLASSSSHHH*
Napangisi ako habang nakatingin sa duguang ulo ng kaklase kong si Val, sinungaling siya!
Kinuha ko ang kaniyang utak, pinagmasdan ko ito at napatunayan ko na sinungaling talaga siya.
Hindi naman berde ang utak niya eh, kulay dugo ito.
Natatakot na tumingin sa akin ang mga kaklase ko na ngayon ay nasa isang sulok na.
"Whahaha, sabi ko naman kasi sainyo eh ayaw ko sa sinungaling. Bagay lang ito sa kaniya." sabi ko at bumalik na sa aking upuan na parang walang nangyari.
--------------+++++++
@EirelavYu