Story#12

3 0 0
                                    

Tuwang tuwa ako habang tumatakbo pauwi sa bahay namin!

Alam mo kung bakit? Kasi naka pasa ako sa test! Hihi sigurado akong magiging proud si mama at maiiyak sa tuwa! I'm eggzioted!

Sa wakas! Nakarating na din sa bahay hihi!

"MAMAAAAAAAAAAAAA! I'M HOOOOOMEEE!" sigaw ko pagkapasok sa bahay.

"Oh sya nandiyan ka na pala, sige punta din sa kusina at naghihintay na ang mga kaibigan mo. Mga kaibigan mong plato." Sabi ni mama pagkakita ko sakanya.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at niyakap si mama.

"Oh? Anong ngiti at yakap iyan? Nako kang bata ka wala tayong pera kaya hindi ko maibibili yang gusto mo!" nako talaga ito si mama porke ngumiti at nangyakap may ipapabili na talaga? Hindi ba pwedeng naglalambing lang? Whahaha

"Ma~ pasado ako sa test! Hihihi!" napapahagikgik na sabi ko kay mama sabay kalas sa pagkakayakap ko sakaniya.

"Talaga anak?! Nako ang galing galing naman ng anak ko! Patingin nga ako anak!" nakangiti at proud na proud si mama.

Agad kong iniabot at test na naipasa ko kay mama, unti unting nawala ang ngiti ni mama at napaiyak.

"ANO ITO HA?! PREGNANCY TEST ANG NAIPASA MO?! POTEK NA BATA ITO!!! *PAAAAAAAK!*" naiiyak at galit na sabi ni Mama tapos sinampal ako.

Bakit mo ako sinampal ma? Pumasa naman ako sa test ah? Sa pregnancy test nga lang hehe~
------------++++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon