"Okay Eirelav, answer this" sabi ni Ken na nakapukaw sa atensyon ko, ang gwapo kasi nitong tutor ko natulala tuloy ako.
"Okay hehe," sagot ko habang nahihiyang nakangiti.
"Eirelav, is there something bothering you?" naka kunot noo na tanong niya na nakapagpagulat sa akin.
"P-po? Ah w-wala naman po," sagot ko at napayuko, pilit na sinilip ni Ken ang mukha ko kaya napa atras ako at napasandal sa upuan ko. Napalunok ako, humaygat! Napanood ko na ito eh! Iyong pasimpleng lalapit iyong lalaki para tignan mabuti ang reaksyon nung babae hanggang sa mapa atras iyong babae at ma-corner siya nung lalaki sa dulo ng pader, tapos ipapatong ng lalaki ang kamay niya sa pader para makulong sa bisig niya ang babae!
Tapos sasabihin ng lalaki 'Look at me in the eyes' syempre pabebe ang babae edi mag iiwas ng tingin tapos biglang hahawakan ng lalaki ang baba nito tapos papatinginin diretso sa mata niya.
'Ang iyong mga mata'y napakaganda, ako'y nahahalina' sasabihin ng lalaki, mapapatulala sila sa isa't isa hanggang sa maglapit ang mga labi nila---------
"A-anong ginagawa mo? Eirelav?"
"Ang mga mata mo nama'y napakakisig kaya ako'y iyong napaibig,"
"W-what...do...you...mean...?" narinig kong sabi ni Ken kaya natauhan ako, narealize ko na NAKAPIKIT AT NAKANGUSO PALA AKO SA TAPAT NI KEN! Anak ng tokneneng! Baka isipin niya na hahalikan ko siya!
"Ayos ka lang?" tanong niya, ayaw ko na! Aamin na ako! Aamin na ako!
"Ahm... Ken, m-mahal kita.." mahinang sabi ko, nahihiya ako eh!
"Eirelav...mahal din kita," nagulat ako pero napangiti din! Humaygat! Mom I'm goona get married--------
"Pero hindi tayo pwede, pinsan kita Eirelav.." at tuluyan na ngang gumuho ang mundo ko. Napaupo ako sa sahig at naglupasay.
Bakit ba kasi pinsan kita!!!! Lovelife na naging bato pa huhuhu!
-------+++++++
@EirelavYu