"Bakit ka ngumingiti ngiti diyan?" tanong ko kay Ken, ang aking crush.
BTW I am Eirelav, I am 7 years old and Ken is also 7 years old.
Nandito kami ngayon sa bubong ng bahay namin, dito ang tambayan naming dalawa.
"A penny for you thoughts?" pag ienglish ko para astig.
Inilahad niya ang kaniyang palad at inilagay ko doon ang barya.
"Hinalikan ko si Val." nakangiting sabi niya sa akin, napakunot ang noo ko selos ako eh.
"At saan mo naman hinalikan?" mataray na tanong ko.
"Saan pa ba? Edi sa labi! Whahaha," tuwang tuwang sagot pa niya. Tumalikod ako sakaniya, galit ako!
"Uy Eirelav? Anong iniisip mo?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin.
"A penny for your thoughts?" panggagaya niya sa akin, Inilahad ko ang aking palad at inilagay niya naman dito ang barya.
Galit na humarap ako sakaniya.
"Maling babae ang hinalikan mo!!" sigaw ko at itinulak siya para mahulog sa bubong.
"Tulooooong tulooooong!" sigaw ng sigaw si Ken pero hindi ko siya tinulungan.
*BOOOOOOGGGSSSSHHH*
At nahulog na nga siya, napangisi ako ng malademonyo.
"Iyan ang napapala mo, kung ako lang sana ang hinalikan mo edi buhay ka pa sana ngayon tsk!"
------------++++++
@EirelavYu