Nanginginig ako ngayon habang nakatitig sa walang buhay na katawan ng napatay ko kanikanina lang.
Mabilis kong itinapon ang ipinampatay ko upang walang maiwang ebidensya sa krimen na aking nagawa.
"Shit! Bawal pumatay itatakwil ako ng pamilya ko!" Nanginginig na bulong ko.
"Oh anak anong ginagawa mo diyan? Bakit pawis na pawis ka?" si mama pala, slow motion akong napaharap sakanya at bigla akong naluha.
"M-ma...hindi ko sinasadya ma..."
"Anong ibig mong sabihin anak?"
"Hindi ko sinasadyang ma-makapatay ma! Huhuhu patawarin ninyo ako!" Biglang nanlaki ang mga mata ni mama at napahawak siya sa tapat ng puso niya.
"Ay jusko Kang Bata ka! At saan mo naman inilagay ang bangkay? Ipakita mo!" kinakabahang utos ni mama.
Nanginginig na pinasunod ko si mama, nakarating na kami sa isang kwarto kung saan ko iniwan ang bangkay. Ma's lalong tumindi ang panginginig ko nung makita ko ang until unting pagbakas ng pagkairita sa mukha ni mama.
"LETSE KANG BATA KA! KUNG MAKAPAGREACT KA DIYAN AKALA KO NAMAN TAO ANG NAPATAY MO! IPIS NAMAN PALA WALANGHIYA KA! *BOOGGSSSH*" ano ba yan si mama nambabatok!
Kawawa iyong ipis na napatay ko huhu! Paano na iyong naiwan niya na pamilyaaa huhuhu! I'm bad! I'm killer!
------------+++++++
@EirelavYumention a usermention a user