Story#20

1 0 0
                                    


"Okay class goodmorning." Napa ayos kami ng upo noong biglang dumating ang terror na teacher namin sa english, si Ma'am English. Yes english ang pangalan niya, bagay sa subject niya diba.

"Gooooooooooodmoooorrrningggg Ma'am Englisssssssh." bati namin pabalik na parang grade 1.

"Okay take your seat. Our lesson for today is about modals. Can you give me an example of a modal?" sabi ni ma'am at nagtaas naman ng kamay ang kaklase kong si Via.

"Will po Ma'am!"

"Okay, Will is correct. Now give ang example sentence using the modal will." sabi ni Ma'am English, Nagtaas naman ng kamay si Ella at sumagot.

"Will you marry me?" sabi niya.

Biglang naging maingay ang klase.

"Woah! Ken oh will you marry me daw!" sigaw ng boys at the back.

"Yesssss! I will marry youuu!" pasimpleng sigaw ni Ken habang nakangiti ng todo.

"Okay 'Will you marry me?' good example. Ken please stand up, kindly give an example too." sabi ni Ma'am English.

"Many people will attend our wedding!" sabi ni Ken, Hindi nyo naitatanong ay crush ni Ken si Ella kaya naglalandian silang dalawa tsk.

"Yieee edi kayo naAaaa!" sigawan na naman ng mga kaklase ko habang nagwawala.

"Okay how about the others? Give example too." sabi ni Ma'am English habang tatawa tawa.

"We will attend their wedding!"
"I will be the priest on their wedding!"
"I will be the flower girl on their wedding!"
Kanya kanyang sigaw ng mga nakakalokang kaklase ko, tsk paalala lang walang forever.

"Shh class quiet please, raise your hand if you wanna give an example." sabi ni Ma'am english

"Ma'am!" sigaw ko sabay nagtaas ng kamay habang ngingisi ngisi ako dahil sa naisip kong example para sa kalandian nila.

"Okay Eirelav give your example," sabi ni Ma'am english

"I will kill the bride and the groom before the wedding!" tatawa tawang sabi ko sabay hagalpak naman sa tawanan ng mga kaklase ko.

"MS. EIRELAV! FOLLOW ME IN THE GUIDANCE ROOM! NOW!" galit na galit na sigaw ni ma'am.

Napakamot ako sa ulo habang nakaupo dito sa upuan sa guidance room, hinihintay ko si mama.

Napangiwi ako, ano ba ang masama sa sinabi ko? Nag example lang naman ako ah huhu!
--------------++++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon