+. TANGGAP KITA
Ako si Eirelav, isa akong rp'ier.
Isa akong crp to be exact, ang pangalan ko ay Ken.
May babaeng nakakuha ng atensyon ko, ang pangalan niya ay Val.
Palagi kaming naguusap, naging crush ko siya.
Bago ko siya makilala, straight pa ako pero noong nakilala ko siya at palaging nakakausap bumaliko na yata ako.
Naging crush ko siya hanggang sa nagustuhan ko na siya, hindi nagtagal ay umabot sa punto na mahal ko na siya. Hindi lahat ng feelings sa RPW ay peke, halimbawa na lang ay ang sa akin.
Dahil nga mahal ko na siya ay napagpasiyahan ko na ligawan siya, umabot na ng buwan ang panliligaw ko sakaniya at patuloy kaming nag-uusap.
Napag isip-isip ko na kailangan ko nang umamin sakaniya na crp ako, habang hindi pa niya ako sinasagot. Para malaman ko kung tanggap niya ba ako.
Kinakabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
'Mahal, may aaminin ako'
Nag chat na ako sakaniya. Mahal ang tawagan namin, may cs na agad kami kahit hindi pa niya ako sinasagot. Pakiramdam ko may gusto na rin siya sa akin pero baka assuming lang ako.
'Hmm, parang alam ko na iyan.'
Alam niya na crp ako? Mas lalo tuloy akong kinabahan *dugdugdugdug* low budget sound effects pasensya na.
'Kinakabahan ako mahal..'
'Mahal, crp ako. Sana tanggap mo ako'Sabi ko, napapikit na lang ako. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko indikasyon na nag reply na siya.
'Tanggap kita, tanggap na tanggap kita.'
'Una pa lang alam ko na crp ka.'Biglang sumilay ang napakalaking ngiti sa labi ko. Yes! Tanggap niya ako! Tanggap niya ako! Wuhoooo! Tumunog ulit ang cellphone ko.
'Simula ngayon sister na kita, bestfriend na kita ngayon magkaibigan na tayo ayos ba?'
'Sabi ko na nga ba joke joke lang ang panliligaw mo eh whahaha.'Napatigil ako sa pagsasaya at biglang naglaho ang mga ngiti ako, kumirot ang puso ko.
"Pero....hindi lang bilang kaibigan ang gusto ko...higit pa doon...mahal kita...seryoso ako sa panliligaw ko..seryoso ako sayo.."
Iyan ang gusto kong sabihin pero hindi ko masabi, nasaktan ako oo pero hindi ko siya masisisi. Babae kaming dalawa at alam ko na sa una pa lang hindi na kami pwede.
"Ganito pala ang pakiramdam ng ma-friendzoned, hindi naman masaket." mahinang sabi ko kasabay ng pagsilay ng isang ngiting mapait sa akin labi.
-------+++++++
@EirelavYu