Story#8

3 0 0
                                    

"Sorry mahal."

Noong itinanggi mo ako sa mga kaibigan mo, iyan ang sinabi mo kaya pinalampas ko.

"Sorry mahal."

Noong nag away tayo at napagbuhatan mo ako ng kamay, iyan ang sinabi mo kaya pinalampas ko.

"Sorry mahal."

Noong nakalimutan mo ang anniversary natin, iyan ang sinabi mo kaya pinalampas ko.

"Sorry mahal."

Noong may nakita akong babae na kalandian mo sa chat, iyan ang sinabi mo kaya pinalampas ko.

"Sorry mahal."

Sa lahat ng sakit sa puso na idinulot mo sa akin, iyan ang sinasabi mo kaya pinapalampas ko.

Ang sakit sakit na ng puso ko, lalo na sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Naghahalikan at naglalandian kayo ng kabit mo!

Hindi na ako nakapagpigil at sinugod ko kayo, sinalubong kita ng sampal at sabunot naman sa kabit mo.

"Sorry mahal." sambit mo na naman.

Tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko.

"Sorry mahal? Palagi na lang 'SORRY MAHAL'?! Ang sakit sakit ng lahat ng dinulot mo sa akin tapos paulit ulit lang ang sasabihin mo!!! *PAAAAAAAKKKK*"

"PURO KA SORRY MAHAL PURO KA SORRY MAHAL?! SA TINGIN MO NABAWASAN BA ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO DAHIL DIYAN SA SORRY MO HA?! *PAAAAAAAKKK*"

"WHAHAHA SIGURO KUNG ISANG BESES LANG MABABAWASAN ANG SAKIT EH, PERO HINDI LANG ISANG BESES!! HINDI LANG *PAAAAAKKKK* HINDI LANG ISANG BESES!!? MARAMING BESES NA KAYA ANG SAKIT SAKIT NA!!PAG NAG SORRY KA HINDI MO NA DAPAT INUULIT ANG PAG KAKAMALI MO PERO IBA KA EH, IBA KA KASI PAULIT ULIT KA!" mahabang lintanya ko sakanya habang pinagsasasampal siya, brutal man eh ano magagawa ko? Nasaktan din ako.

"Sorry mahal pero hindi na kita mahal! Break na tayo hindi ko na tatanggapin iyang sorry mo! Isaksak mo iyan sa baga mo!!!! *BOOOGGGGSSSH*" Sinuntok ko siya at nag walk out na habang lumuluha.

Pinapangako ko sa sarili na kapag nag mahal ulit ako, hindi na katulad ng mukang sorry na ex ko. Pinunasan ko ang luha ko at lumakad na parang walang nangyari.

"I deserve someone who knows to make things up to me after hurting me. Not someone who's just very good at saying 'Sorry'."
-----------+++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon