Nandirito ako ngayon sa sofa, nakaupo habang nakatitig ng masama dito sa mister ko.
Bakit ako nakatitig ng masama?
Eh paano ba naman! Ako ang asawa niya pero iba ang nakasulat sa damit niya!
Nakatitig lamang siya sa akin habang naka ngiti na parang abnormal as usual tsk!
"Hoy mister ko! Halika nga rito at tayo ay mag uusap ng masinsinan!"
"Sino ba iyang naka sulat sa damit mo ha? Wala ka na bang ibang damit at puro lagi iyan ha?!"
"Celine! Celine na lang lagi! Puro si Celine kailan ba magiging ako ha?! Am I not enough?!"
"Ngingiti ka na naman diyan? Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo palagi na lang!? Palagi na lang!? Sawang sawa na ako... Sawang sawa na ako saiyo."
At talaga nga naman oo! Kahit nag dadrama na ako dito nakangiti ka pa rin?!
"AYOKO NA! SIGURO PANAHON NA PARA MAG BREAK TAYO! CELINE KA NANG CELINE EDI DOON KA NA SA CELINE MO! I'M READY TO LET GO!" Malakas na sigaw ko. Lagi na lang kasi si Celine! Kailan nga ba magiging Eirelav?! I am not Celine and will never be Celin--------
"HOY EIRELAV!? TALAGANG NABABALIW KA NA ANO?! PUMUNTA KA DOON SA KUSINA AT TIGIL TIGILAN MO ANG PAG KAUSAP SA LITRATO DIYAN SA CELLPHONE MO!!! LINTEK KA TALAGANG BATA KA OH LAKAD PUNTA DOON SA KUSINA AT MAG HUGAS KA NG PINGGAN DALIAN MO!!" biglang sigaw ni mama.
Si mama talaga oh! Kahapon iyong kapatid ko ang panira ng moment tapos ngayon si mama naman! Nagdadrama ako dito eh bakit hindi mo na lang ako suportahan T^T
----------+++++++
@EirelavYu