I'm so so so so proud! Ang pinsan ko ay ikinasal na awieEee, ako kailan kaya ako ikakasal?
Nandito ako ngayon nakatayo sa likod ng bride kasama ang iba pang kababaihan, nandito kami upang pag agawan ang bulaklak na ihahagis ng bride.
Ang sabi kasi ay kung sino ang makasalo ng bulaklak ay siya ang susunod na ikakasal kaya gora na ituu! Whahaha
"Ready? 1!2!3!" sigaw ng bride pero nagulat ako kasi hindi naman niya hinagis ang bulaklak...
Inabot niya ito sa akin mismo, weird whahaha pero masaya ako! Ibig sabihin ako ang susunod na ikakasal!
Napangiti ako ng nakapalawak at unti unting humarap patalikod para ipakita sa iba pang bisita na ako ang nakakuha ng bulaklak.
Napatulala ako dahil pagtalikod ko ay may nakita akong isang lalaking nakaluhod sa harapan ko, humaygat! Si Ken, crush ko simula bata pa ako. Hindi na yata ito simpleng crush lang mahal ko na yata siya hehe~
Si Ken nakaluhod sa harapan ko at may hawak hawak siyang singsing, magpopropose sa akin si Ken! Napangiti ako ng matamis at tumitig sa mata niya, nagsimula na siya magsalita.
"Matagal ko nang balak mag propose saiyo pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng LOOB, Mahal na mahal kita simula ng mga bata pa tayo kaya sana marinig ko ang matamis mong oo. Val, will you marry me?" unti-unting nawala ang ngiti ko at kumirot ang puso ko.
Akala ko sa akin siya magpopropose pero sa kakambal ko pala. Ako si Lav, at kakambal ko si Val.
Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko at napatingin ako sa kakambal kong si Val na bakas ang pagkagulat sa mukha, tumakbo ako papalayo sakanila.
Nag expect ako eh, umasa ako na sa akin siya magpopropose pero hindi pala.
"Well *sobs* t-tama nga sila 'To much expectation can lead to disappointment.' at hindi lang ako nadisappoint, nadurog pa ang puso ko."
-------++++++
@EirelavYu