Story#10

2 0 0
                                    

"Huhuhu *sobs*"

"Ano ba iyan Chazy, umiiyak ka na naman. Lagi ka na lang umiiyak, iyong totoo hindi ka ba nagsasawa kaiiyak ha?"

Nandirito kami ng aking kapatid ngayon sa aking kwarto.

As usual umiiyak na naman ako at pinapatahan ako nitong kapatid kong si Eirelav.

"Ano na naman ba ang nangyari ha? Nag away kayo ni Ken? Sabihin mo." Sabi ni Eirelav.

"Wala na kami...sis wala *sobs*...wala na kami!" umiiyak na sabi ko.

"Anong wala ba? Break na kayo? Bakit? Ano ba ang nangyari?" naguguluhang sabi ni Eirelav habang hinihimas ang likod ko para kumalma ako.

Bigla ko na namang naalala ang nangyari at nakita ko.

*FLASHBACK*

Nandirito ako sa likod ng isang puno ngayon habang lumuluhang  nakatitig sa boyfriend ko na si Ken na kasama ng best friend ko na si Val.

Hindi sila simpleng magkasama, ang masakit ay nagtutukaan silang dalawa.

"Babe, cr lang ako saglit." Sabi ni Val at sabay niyakap at hinalikan ang boyfriend ko na mukhang tuwang tuwa pa. Umalis na si Val at pumunta sa Cr.

Sinamantala ko ang pagtataon na wala pa si Val at kinompronta ang boyfriend ko.

"Ken... Ano iyong nakita ko?May relasyon ba kayong dalawa ng best friend ko? " Sabi ko. Nanlalaki ang mata na nakatitig siya sa akin.

"Chazy... Sorry. Oo meron kaming relasyon, sorry si Val talaga ang gusto ko at hindi ikaw." ma's lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"Mahal mo ba ang best friend ko? Ano ang kaya mong gawin para sa kaniya?" kahit masakit.. Tinanong ko pa rin, masokista yata ako eh.

"Hindi ko lang mahal ang best friend mo, mahal na mahal ko siya. Kaya ko itaya ang buhay ko para lang sa kaniya. Sana wag mo kami guluhin, masaya ako kapag kasama ko siya. Break na tayo." Sabi niya. Napahagulgol na ako ng tuluyan.

"Kung iyan ang gusto mo at makapagpapasaya saiyo, Stay Strong.I love you, I'm ready to let go." huling sabi ko at saka umiiyak habang tumatakbong umalis.

*FLASHBACK ENDS*

"Mahal niya ang best friend ko sis, mahal *sobs* mahal nila ang isa't isa." humahagulgol na sabi ko.

"Eh bakit hindi mo ipinaglaban? Mahal mo rin naman si Ken ah?"

"Alam ko naman na kahit ipaglaban ko siya, si Val talaga ang mahal niya wala na akong magagawa doon. Hahayaan ko na lang sila na masaya kahit ako na ang masaktan." sabi ko at pinunasan ang luha ko, masokista nga ako.

Napaisip na lamang ako.

'People tend to say that love is all about fighting for the one they love. But they're all wrong. Sometimes, love is all about letting go.'
----------+++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon